Kasangkapang pangkasarian
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kasangkapang pangkasarian o pangunahing katangiang pangkasarian o organong sekswal (Ingles: sex organ), sa isang makitid na katuturan, ay kahit na ano sa mga bahaging pang-anatomiya ng katawan na may kaugnayan sa reproduksiyong sekswal at kinabibilangan ng sistemang reproduktibo sa isang masalimuot na organismo, na siyang sumusunod sa ibaba:
- Lalaki: mga bayag, titi, prepusyo ng titi, iskrotum, prostate, mga besikulong pangtamod, epididaymis, mga glandula ni Cowper
- Babae: mga obaryo, tinggil, bulba, mga labi ng puke, mga glandula ni Skene, mga glandula ni Bartholin, puke, sipit-sipitan, sinapupunan, mga tubong Fallopian.
Ang pangalang henitalya na nagmula sa wikang Latin, at kadalasang isina-Ingles bilang genitalia, genital (panghenitalya), o genital area (pook ng henitalya), ay ginagamit upang tukuyin ang panlabas at nakikitang mga kasangkapang pangkasarian[1] na kilala bilang pangunahing kasarian (primary genitalia) o panlabas na kasarian (extenal genitalia): na ang titi at iskrotum sa mga kalalakihan, at ang tinggil at bulba ng mga kababaihan.
Ang iba pang mga nakakubling mga kasangkapang pangkasarian ay tinagurian bilang pangalawang kasarian o pangalawang henitalya (secondary genitalia) o kaya panloob na kasarian o panloob na kasarian (internal genitalia). Sa mga ito, ang pinakamahalaga ay ang mga gonad, isang pares na kasangkapang pangkasarian, lalo na ang mga itlog ng bayag o testes sa lalaki at ang mga obaryo ng babae. Ang mga gonad ang tunay na mga kasangkapang pangkasarian, na lumilikha ng mga reproduktibong gameto na naglalaman ng namamanang DNA. Gumagawa rin ang mga ito ng halos lahat ng mga pangunahing hormon na nakaka-apekto sa pag-unlad ng kasarian, at nangangalaga sa ibang mga kasangkapang pangkasarian at mga iba't ibang kaugaliang pangkasarian.
Ang isang katawagang may mas malabong kahulugan ay ang sonang erohenosa o sonang nakadadarang o nakahihikayat, na tumutukoy sa anumang bahagi ng katawan na kung hihipuin ay nakapagdudulot ng pagkadama ng pagkalibog, ngunit laging tahasang kabilang ang mga kasangkapang pangkasarian o henitalya.