Bayag
Reproduktibong organ ng isang hayop / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga ibayag (Ingles: testicle; mula sa Latin na testiculus, diminutibo ng testis, na nangangahulugang "saksi" ng birilidad,[1]; ang testis ay pang-isahan, na nagiging testes kung maramihan) ay ang panlalaking gonad sa mga hayop. Katulad ng mga obaryo (katumbas ang obaryo ng babae ng itlog ng bayag ng lalaki), ang mga itlog ng bayag ay komponente ng sistemang reproduktibo at ng sistemang endokrino. Ang pangunahing mga tungkulin ng itlog ng bayag ay ang gumawa ng mga esperma (espermatohenesis) at gumawa ng mga androheno, pangunahin na ang testosteron. Ang mga tungkuling ito ay may kaugnayan sa pagkagustong makipagtalik[2].
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/ac/Testis_1.jpg/640px-Testis_1.jpg)
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/41/%EC%9E%90%EC%A7%80%ED%84%B8.jpg/640px-%EC%9E%90%EC%A7%80%ED%84%B8.jpg)
Bayag | |
---|---|
Diagrama ng panloob na kayarian ng bayag | |
![]() Diagrama ng panlabas na katangian at palibot na kayarian ng mga bayag ng isang adultong lalaki | |
Mga detalye | |
Latin | testis |
Arteryang testikular | |
Ugat na testikular, Pleksong pampiniporme | |
Nerbiyos | Pleksong espermatiko |
Mga nodong lumbar linpa | |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1236 |
TA | A09.3.01.001 |
FMA | 7210 |
Ang mga tungkulin ng itlog ng bayag ay naiimpluwensiyahan ng mga hormonang gonadotropiko na nililikha ng pituitaryong anteryor. Nagreresulta sa pagpapakawal ng testosteron ang mga luteinizing hormone (LH). Ang pagkakaroon ng testosteron at ng hormonang nakapag-eestimula ng polikula (follicle-stimulating hormone, FSH) ay kailangan upang masuportahan ang espermatohenesis.