From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Oplontis ay isang sinaunang Romanong pook arkeolohiko na matatagpuan sa bayan ng Torre Annunziata, timog ng Napoles sa rehiyon ng Campania ng katimugang Italya.[1] Ang nahukay na pook ay binubuo ng dalawang Romanong villa, ang pinakakilala kung saan ay ang Villa A, ang tinatawag na Villa Poppaea.
Tulad ng mga kalapit na bayan ng Pompeya at Erculano, ang Oplontis ay inilibing sa abo sa panahon ng pagputok ng Bundok Vesubio noong AD 79.[2] Gayunpaman, ang lakas ng pagsabog ay mas malakas kaysa mga lungsod na ito dahil hindi lamang bubong ang bumagsak, ngunit ang mga pader at haligi ay nasira at ang mga piraso ay itinapon patagilid.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.