Ang Myanmar, opisyal na Repulika ng Unyon ng Myanmar (internasyunal: Republic of the Union of Myanmar), na kinikilala din bilang Burma (opisyal na pangalan hangang 1989), ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ang pinakamalaking bansa sa Kalupaang Timog-Silangang Asya. Ito ay napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Taylandiya sa timog-silangan, Banglades sa kanluran, at Indiya sa hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying-dagat). Ang kabisera ng Myanmar ay Naypyidaw at ang pinakamalaking lungsod ay Yangon (dating Rangoon)
Republika ng Unyon ng Myanmar
Pyidaunzu Thanmăda Myăma Nainngandaw | |
---|---|
Awiting Pambansa: Kaba Ma Kyei | |
Kabisera | Naypyidaw |
Pinakamalaking lungsod | Yangon (Rangoon) |
Wikang opisyal | Birmano |
Kinilalang wikang panrehiyon | Jingpho, Kayah, Karen, Chin, Mon, Rakhine, Shan |
Mga opisyal na sulat | Sulat Birmano |
Katawagan | Burmes/Myanmes |
Pamahalaan | pampanguluhang republika |
• Pangulo | Myint Swe |
• State Administration Council | Min Aung Hlaing |
Formation | |
• Bagan | 1044 |
• Independence | 4 Enero 1948 (mula sa Nagkakaisang Kaharian) |
• Current constitution | Mayo 2008 |
Lawak | |
• Kabuuan | 676,578 km2 (261,228 mi kuw) (40th) |
• Katubigan (%) | 3.06 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2009 | 50,020,000[1] (Ika-24) |
• Senso ng 1983 | 33,234,000 |
• Densidad | 73.9/km2 (191.4/mi kuw) (119th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2008 |
• Kabuuan | $67.963 billion[2] |
• Bawat kapita | $1,156[2] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2008 |
• Kabuuan | $26.205 bilyon[2] |
• Bawat kapita | $445[2] |
TKP (2007) | 0.586[3] katamtaman · 138th |
Salapi | kyat (K) (mmK) |
Sona ng oras | UTC+6:30 (MST) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan[4] |
Kodigong pantelepono | 95 |
Kodigo sa ISO 3166 | MM |
Internet TLD | .mm |
|
Mga teritoryong pampangasiwaan
Kasaysayan
Ang mga sinaunang kabihasnan sa rehiyon tulad ng mga Lungsod-Estado ng Pyu na nagsasalita ng Tibeto-Birman sa Itaas na Myanmar at mga kaharian ng Mon sa Ibabang Myanmar. Noong ika-9 na siglo, ang mga taong Bamar ay pumunta sa itaas na lambak ng Irrawaddy, at pagsunod ng pagtatag ng Kaharian ng Pagan noong 1044, ang wikang Birmano, kulturang Birmano at ang Budismong Theravada ay unti-unting naging dominante sa bansa. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma. Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang agan. Naging malugod ang pagtanggap ni Anawratha sa relihiyong Budismo. Kaya’t lumganap ang sining at panitikang Budismo sa lipunang Birmano. Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay sadyang naging mahina. Sa loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging pugad ng nag-aaway na kaharian. Si Buyin Naung ang muling nakapagbalik ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa Pegu hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581. Ang kaharian ng Pagan ay bumagsak sa kamay ng mga Mongol at maraming mga estado ang naitayo. Ang Burma ay naging tirahan ng iba’t-ibang lahi. Ang kapatagan ng ilog ng Irrawaddy at Salween ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet, Tsina, at Indiya. Ang naghalong lahi ng mga pangkat na ito ang naging ninuno ng mga kasalukuyang Birmano.
Panitikang Burmes
Sa kasaysayan, ang panitikan ng Burma (o Myanmar) ay naimpluwensiya ng mga kalinangang Indiyano at Thai, na makikita sa mga maraming gawa, katulad ng Ramayana. Ang wikang Burmes, na di tulad ng ibang wika sa Timog-silangang Asya (e.g. Thai, Khmer), ay hiniram ang mga salita mula sa Pāli imbis sa Sanskrit. Sa karagdagan, sinasalamin ng panitikang Burmes ang lokal na alamat at kalinangan.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.