bansa sa Timog Asya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bangladesh,[a] opisyal na Republikang Bayan ng Bangladesh,[b] ay isang bansa sa Timog Asya. Ito ang ikawalong pinakamataong bansa sa mundo at kabilang sa mga bansang may pinakamakapal na populasyon na may populasyon na halos 170 milyon sa sukat na 148,460 km2 (57,320 mi kuw). Matatagpuan ang Bangladesh sa mga hangganan sa Indya sa hilaga, kanluran, at silangan, at Myanmar sa timog-silangan. Sa timog, mayroon itong baybayin sa kahabaan ng Look ng Bengal. Makitid na hinihiwalay ito sa Bhutan at Nepal ng Koridor ng Siliguri, at mula sa Tsina ng bulubunduking estado ng Sikkim ng Indya sa hilaga. Ang Dhaka, ang kabisera at pinakamalaking lungsod, ay ang sentrong pampulitika, pananalapi, at kultura ng bansa. Ang Chittagong ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod at ang pinaka-abalang daungan sa Look ng Bengal. Bengali ang opisyal na wika ng Bangladesh habang ginagamit din ang Ingles na Bangladeshi sa gobyerno at mga opisyal na dokumento kasama ng Bengali.
Republikang Bayan ng Bangladesh | |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Dhaka 23°45′50″N 90°23′20″E |
Opisyal na wika at pambansang wika | Bengali[1][2] |
Kinikilalang wikang banyaga | Ingles[3] |
Pangkat-etniko (Senso ng 2022)[4] | 99% Mga Bengali
1% Iba pa
|
Relihiyon |
|
Katawagan | Bangladeshi |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlyamentaryo sa ilalim ng pamahalaang pansamantala |
• Pangulo | Mohammed Shahabuddin |
• Punong Tagapayo | Muhammad Yunus |
• Punong Mahistrado | Syed Refaat Ahmed |
Lehislatura | Jatiya Sangsad |
Kalayaan mula sa Pakistan | |
• Deklarasyon at digmaang pagpapalaya | 26 Marso 1971 |
• Pamahalaang Pansamantala | 10 ABril 1971 |
• Tagumpay | 16 Disyembre 1971 |
• Kasalukuyang konstitusyon | 16 Disyembre 1972 |
Lawak | |
• Kabuuan | 148,460[8] km2 (57,320 mi kuw) (92nd) |
• Katubigan (%) | 6.4 |
• Lawak ng lupa | 130,170 km2[8] |
• Lawak ng tubig | 18,290 km2[8] |
Populasyon | |
• Senso ng 2022 | 169,828,911[9][10] (ika-8) |
• Densidad | 1,165/km2 (3,017.3/mi kuw) (ika-12) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $1.620 trillion[11] (ika-25) |
• Bawat kapita | $9,410[12] (ika-126) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $455.166 billion[13] (ika-34) |
• Bawat kapita | $2,650[14] (ika-137) |
Gini (2022) | 49.9[15] mataas |
TKP (2022) | 0.670[16] katamtaman · ika-129 |
Salapi | Taka (৳) (BDT) |
Sona ng oras | UTC+6 (BST) |
Gilid ng pagmamaneho | kaliwa |
Kodigong pantelepono | +880 |
Kodigo sa ISO 3166 | BD |
Internet TLD | .bd .বাংলা |
Binubuo ng Bangladesh ang soberanong bahagi ng makasaysayang at etnolingguwistikong rehiyon ng Bengal, na hinati sa panahon ng Paghahati ng Indiyang Britaniko noong 1947 bilang silangang engklabo ng Dominyo ng Pakistan, kung saan nahiwalay ito sa isang madugong digmaang pagsasarili noong 1971.[17] Ang bansa ay may mayoryang na Bengali. Kilala ang sinaunang Bengal bilang Gangaridai at isang balwarte ng mga kaharian bago ang Islam. Naipahayag ng mga pananakop ng Muslim pagkatapos ng 1204 ang panahon ng sultanato at Mughal, kung saan binago ng isang independiyenteng Sultanato ng Bengal at isang mayamang Bengal na Mughal ang rehiyon bilang isang mahalagang sentro ng mga usaping pangrehiyon, kalakalan, at diplomasya. Pagkatapos ng Labanan sa Plassey noong 1757, umabot ang pinakamataas na lawak ng Bengal na Britaniko mula sa Pasong Khyber sa kanluran hanggang sa Singapore sa silangan.[18][19] Nagtakda ang paglikha ng Silanganing Bengal at Assam noong 1905 ng isang pamarisan para sa paglitaw ng Bangladesh. Itinatag ang Liga ng Lahat na Muslim sa Indya sa Dhaka noong 1906.[20] Noong 1940, ang unang Punong Ministro ng Bengal, si AK Fazlul Huq, ay sumuporta sa Resolusyon Lahore. Bago ang pagkahati ng Bengal, isang estadong soberanya ng Bengali ang unang iminungkahi ni premiyer HS Suhrawardy. Isang reperendum at ang anunsyo ng Linyang Radcliffe ang nagtatag ng kasalukuyang hangganan ng teritoryo.
Noong 1947, naging pinakamataong lalawigan ang Silangang Bengal sa Dominyo ng Pakistan. Pinalitan ang pangalan nito sa Silangang Pakistan, at naging kabiserang pambatas ng bansa ang Dhaka. Nagresulta ng pag-angat ng nasyonalismong Bengal at mga kilusang panig sa demokrasya ang Kilusang Wikang Bengali noong 1952; ang halalang pambatasan sa Silangang Bengali, 1954; ang kudeta sa Pakistan ng 1958; ang anim na puntong kilusan ng 1966; at ang halalang pangkalahatan sa Pakistan ng 1970. Humantong ang pagtanggi ng huntang militar na Pakistani na ilipat ang kapangyarihan sa Ligang Awami, sa pamumuno ni Sheikh Mujibur Rahman, ng Digmaang Pagpapalaya ng Bangladesh noong 1971. Naglunsad si Mukti Bahini, na tinulungan ng Indya, ng isang matagumpay na armadong rebolusyon. Nakita ng salungatan ang henosidyo ng mga Bangladeshi at ang masaker ng maka-kalayaan na mga sibilyang Bengali, na pangunahing nagta-target sa mga intelektuwal. Naging unang sekular na estado na nakalagay sa konstitusyon sa Timog Asya ang bagong estado ng Bangladesh noong 1972.[21] Noong 1988, idineklera ang Islam na relihiyon ng estado.[22][23][24] Noong 2010, muling pinagtibay ng Korte Suprema ng Bangladesh ang mga sekular na prinsipyo sa konstitusyon.[25] Opisyal na idineklara ito ng Konstitusyon ng Bangladesh bilang isang sosyalistang estado.
Isang gitnang kapangyarihan sa Indo-Pasipiko,[26] nasa Bangladesh ang ikalimang pinakasinasalitang katutubong wika sa mundo, ang pangatlo sa pinakamalaking populasyon ng Muslim na karamihan sa mundo, at ang pangalawang pinakamalaking ekonomiya sa Timog Asya. Pinapanatili nito ang pangatlo sa pinakamalaking militar sa rehiyon at ang pinakamalaking tagapag-ambag ng mga tauhan sa mga operasyong pangkapayapaan ng Mga Nagkakaisang Bansa.[27] Ang Bangladesh ay isang unitaryong republikang parlyamentaryo batay sa sistemang Westminster. Binubuo ang mga Bengali ng halos 99% ng kabuuang populasyon.[28] Binubuo ang bansa ng walong dibisyon, 64 na distrito at 495 na mga subdistrito, pati na rin ang pinakamalaking taniman ng bakawan sa buong mundo. Nasa Bangladesh din ang pinakamalaking populasyon ng takas (o refugee) sa mundo dahil sa henosidyo ng Rohingya.[29] Ang Bangladesh ay nahaharap sa maraming hamon, partikular na ang katiwalian, kawalang-tatag sa politika, sobrang populasyon at mga epekto ng pagbabago ng klima. Naging pinuno ang Bangladesh sa loob ng Climate Vulnerable Forum (o Pagtitipon sa Maaring Mapektuhan ng Klima). Narito sa bansang ito ang punong-tanggapan ng Bay of Bengal Initiative for Multi-Sectoral Technical and Economic Cooperation (BIMSTEC, Inisyatibong Look ng Bengal para sa Multi-Sektoral na Teknikal at Kooperasyong Ekonomiko). Ang bansa ay isang kasaping tagapagtatag ng South Asian Association for Regional Cooperation (SAARC, Timog Asyanong Asosasyon para sa Koopersyong Pang-rehiyon), gayundin bilang miyembro ng Organisasyon ng Kooperasyong Islamiko at Komonwelt ng mga Bansa.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.