Miss World 2007
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 2007 ay ang ika-57 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Crown of Beauty Theater sa Sanya, Tsina noong 1 Disyembre 2007.[1] Ito ay pinangunahan nina Fernando Allende at Angela Chow
Agarang impormasyon Petsa, Presenters ...
Isara
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Taťána Kuchařová ng Republikang Tseko si Zhang Zilin ng Tsina bilang Miss World 2007. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Tsina sa kasaysayan ng kompetisyon.[2][3] Nagtapos bilang first runner-up si Micaela Reis ng Anggola, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Carolina Morán ng Mehiko.
Mga kandidata mula sa 106 na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Fernando Allende at Angela Chow ang kompetisyon. Nagtanghal si Duncan James sa edisyong ito.