Miss World 2006
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 2006 ay ang ika-56 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Sala Kongresowa ng Palasyo ng Kultura at Agham, Varsovia, Polonya noong 30 Setyembre 2006.
Miss World 2006 | |
---|---|
![]() Taťána Kuchařová | |
Petsa | 30 Setyembre 2006 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Palasyo ng Kultura at Agham, Varsovia, Polonya |
Brodkaster | Internasyonal:
|
Lumahok | 104 |
Placements | 17 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Taťána Kuchařová![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Unnur Birna Vilhjálmsdóttir ng Lupangyelo si Taťána Kuchařová ng Repulikang Tseko bilang Miss World 2006. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Republikang Tseko sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Ioana Boitor ng Rumanya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Sabrina Houssami ng Australya.
Mga kandidata mula sa 104 na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Tim Vincent, Angela Chow, at Grażyna Torbicka ang kompetisyon. Nagtanghal ang bandang Westlife, Robin Gibb, at bandang Amici sa edisyong ito.