Miss World 2005
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 2005 ay ang ika-55 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Crown of Beauty Theatre sa Sanya, Tsina noong Disyembre 10, 2005.[1]
Agarang impormasyon Petsa, Presenters ...
Miss World 2005 | |
---|---|
![]() Unnur Birna Vilhjálmsdóttir, Miss World 2005 | |
Petsa | Disyembre 10, 2005 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Crown of Beauty Theatre, Sanya, Tsina |
Brodkaster |
|
Lumahok | 102 |
Placements | 15 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Unnur Birna Vilhjálmsdóttir![]() |
Isara
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni María Julia Mantilla ng Peru si Unnur Birna Vilhjálmsdóttir ng Lupangyelo bilang Miss World 2005.[2] Ito ang ikatlong tagumpay ng Lupangyelo sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Dafne Molina ng Mehiko, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Ingrid Marie Rivera ng Porto Riko.
Mga kandidata mula sa 102 bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Tim Vincent at Angela Chow ang kompetisyon. Nagtanghal sina Alexander O'Neal at ang Beijing Singing & Dancing Theatre sa edisyong ito.