Miss World 1971
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 1971 ay ang ika-21 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 10 Nobyembre 1971.[1][2]
Miss World 1971 | |
---|---|
Petsa | 10 Nobyembre 1971 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | BBC |
Lumahok | 56 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Lúcia Petterle![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Jennifer Hosten ng Grenada si Lúcia Petterle ng Brasil bilang Miss World 1971.[3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Brasil sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Marilyn Ward ng Reyno Unido, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Ana Paula de Almeida ng Portugal.
Isang buwan matapos magwagi si Petterle bilang Miss World, ay hindi na ito pinayagan gamiting ang kanyang karapatang gamitin ang kanyang titulo sa mga pagpapalatastas. Ito ay matapos niyang hindi pirmahan ang kanyang kontrata sa Miss World at umuwi ito sa Rio de Janeiro dahil nais niya munang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.[4] Bagama't hindi na niya maaaring gamitin ang kanyang titulo sa kahit anong komersiyal na pamamaraan ay nanatili pa rin si Petterle bilang Miss World.[5][6]
Limampu't-anim na kandidata mula sa limampu't-limang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at David Vine ang kompetisyon.[7]