Miss Universe Philippines 2024
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe Philippines 2024 ay ang ikalimang edisyon ng Miss Universe Philippines pageant, na magaganap sa Mall of Asia Arena, sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas sa 22 Mayo 2024.[1]
Miss Universe Philippines 2024 | |
---|---|
Petsa | 22 Mayo 2024 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Tema | Love For All |
Pinagdausan | Mall of Asia Arena, Pasay, Pilipinas |
Lumahok | 53 |
Placements | 20 |
Hindi sumali |
|
Nanalo | Chelsea Anne Manalo Bulacan |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Michelle Dee ng Makati si Chelsea Anne Manalo ng Bulacan bilang Miss Universe Philippines 2024.[2][3] Siya ay kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mehiko. Nagtapos bilang first runner-up si Stacey Daniella Gabriel ng Cainta, habang nagtapos bilang second runner-up si Maria Ahtisa Manalo ng Quezon.
Noong 13 Mayo 2024, inanunsyo ng Miss Universe Philippines Organization na apat pang titulo sa ilalalim ng The Miss Philippines ang kokoronahan sa 22 Mayo.[4][5] Kasunod ng gabi ng koronasyon, kinoronahan sina Justine Tarah Marie Valencia ng Baguio bilang Miss Supranational Philippines 2025, Cyrille Payumo ng Pampanga bilang Miss Charm Philippines 2025, Alexie Mae Brooks ng Lungsod ng Iloilo bilang Miss Eco Philippines 2025, at Maria Ahtisa Manalo ng Quezon bilang Miss Cosmo Philippines 2024.[6][7]
Mga kandidata mula sa limampu't-tatlong lokalidad ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Alden Richards, Jeannie Mai, at Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel ang kompetisyon, samantalang sina Gabbi Garcia at Tim Yap ang nagsilbing mga backstage correspondent.[8][9] Nagtanghal ang drag perfomer na si Marina Summers, bandang Lola Amour, at Win Metawin sa edisyong ito.[10][11]