Miss Universe 1991
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1991 ay ang ika-40 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Aladdin Theatre for the Performing Arts sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos noong 17 Mayo 1991.
Miss Universe 1991 | |
---|---|
![]() Lupita Jones, Miss Universe 1991 | |
Petsa | Mayo 17, 1991 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Aladdin Theatre for the Performing Arts, Las Vegas, Nevada, Estados Unidos |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 73 |
Placements | 10 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Lupita Jones ![]() |
Congeniality | Monique Lindesay ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Maribel Gutierrez ![]() |
Photogenic | Siobhan McClafferty ![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Mona Grudt ng Noruwega si Lupita Jones ng Mehiko bilang Miss Universe 1991.[1][2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Mehiko sa kasaysayan ng kompetisyon.[4] Nagtapos bilang first runner-up si Pauline Huizinga ng Olanda, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Julia Lemigova ng Unyong Sobyetiko.[5][6]
Mga kandidata mula sa 73 bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito.[7] Pinangunahan ni Dick Clark ang kompetisyon,[8] samantalang sina Leeza Gibbons at Miss Universe 1989 Angela Visser ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[9][10][11]