Miss Universe 1985
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1985 ay ang ika-34 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa James L. Knight Convention Center, Miami, Florida, Estados Unidos noong 15 Hulyo 1985.[1][2]
Miss Universe 1985 | |
---|---|
Petsa | 15 Hulyo 1985 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | James L. Knight Convention Center, Miami, Florida, Estados Unidos |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 79 |
Placements | 10 |
Bagong sali | Dominika |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Deborah Carthy-Deu![]() |
Congeniality | Lucy Montinola ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Sandra Borda ![]() |
Photogenic | Brigitte Bergman ![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Yvonne Ryding ng Suwesya si Deborah Carthy-Deu ng Porto Riko bilang Miss Universe 1985.[3][4] Ito ang ikalawang tagumpay ng Porto Riko sa kasaysayan ng kompetisyon.[5] Nagtapos bilang first runner-up si Teresa Sánchez ng Espanya, habang nagtapos bilang second runner-up si Benita Mureka ng Zaire.[6][7]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-siyam na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon, samantalang si Joan Van Ark ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon. Nagtanghal sina John Denver at Clint Holmes sa edisyong ito.[3] Ito rin ang unang edisyon ng Miss Universe sa ilalim ng pamumuno ni George Honchar, na pumalit kay Harold Glasser noong Marso 1985.[8]