Miss Universe 1984
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1984 ay ang ika-33 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa James L. Knight Convention Center, Miami, Florida, Estados Unidos noong 9 Hulyo 1984.[1][2]
Miss Universe 1984 | |
---|---|
Yvonne Ryding, Miss Universe 1984 | |
Petsa | 9 Hulyo 1984 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Jame L. Knight Convention Center, Miami, Florida, Estados Unidos |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 81 |
Placements | 10 |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Yvonne Ryding ![]() |
Congeniality | Jessica Palao ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Juhi Chawla ![]() |
Photogenic | Garbiñe Abasolo ![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Lorraine Downes ng Nuweba Selandiya si Yvonne Ryding ng Suwesya bilang Miss Universe 1984.[3][4] Ito ang ikatlong tagumpay ng Suwesya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Letitia Snyman ng Timog Aprika, habang nagtapos bilang second runner-up si Carmen María Montiel ng Beneswela.[5][6]
Mga kandidata mula sa 81 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon, samantalang si Joan Van Ark ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[7] Nagtanghal sina Tom Jones at ang Miami Sound Machine sa edisyong ito.[8] Ito rin ang huling edisyon ng Miss Universe sa ilalim ng pamumuno ni Harold Glasser.[9]