Mga Filisteo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mga Filisteo (Ingles: Philistines) ay mga sinaunang lipi ng tao na nanirahan sa katimugang Canaan mula ika-12 siglo BCE hanggang 604 BCE nang ang kanilang politiya ay napailalim sa maraming siglo ng Imperyong Neo-Asiryo at sa huli ay winasak ni Nabucodonosor II ng Imperyong Neo-Babilonyo.[1] Pagkatapos maging bahagi ng kanyang imperyo at ang sumunod ritong Imperyong Akemenidaa, ang mga Filisteo ay nawalan ng natatanging pagkakakilanlang etniko at naglaho sa historikal rekord noong ika-5 siglo BCE.[2] Ayon sa Tanakh, ang mga Filisteo ay kalaban ng mga Israelita. Ang pag-iral ng mga Filisteo ay napatunayan sa mga relief sa sa templo ni Ramses III sa Medinet Habu kung saan sila tinawag na Peleset[lower-alpha 1] (tinanggap na kaugnay ng Hebreong Peleshet);[3] ang katulad na katawagang Asiryanong Palastu,[lower-alpha 2] Pilišti,[lower-alpha 3] o Pilistu.[lower-alpha 4][4]