Imperyong Neo-Asirya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imperyong Neo-Asiryo ang huling imperyo sa kasaysayan ng Asirya sa Mesopotamiya na nagsimula noong 934 BCE at nagwakas noong 609 BCE.[1] Sa panahong ito, ang Asirya ang naging pinakamakapangyarihang estado sa mundo na nadaig pa sa pananaig ang mga Babylonia, Sinaunang Ehipto, Urartu/Armenia[2] at Elam sa pananaig sa Sinaunang Malapit na Silangan, Asya menor, silangang Mediterraneo. Sa panahon ni Tiglath-Pileser III noong ika-8 siglo BCE[3][4] nang ito ay naging isang malawakang imperyo. Sinundan ng Imperyong Neo-Asiryo ang Panahong Gitnang Asiryo at Gitnang Imperyong Asirya (ika-14 hanggang ika-10 BCE). Itinuturing ng ilang mga skolar gaya ni Richard Nelson Frye ang imperyong Neo-Asiryo bilang ang unang tunay na imperyo sa kasaysayan ng tao.[5] Sa panahong iyon, ang wikang Aramaiko ang ginawang opisyal nawika ng Imperyong Neo-Asiryo kasama ng Wikang Akkadiano. [5]
Imperyong Neo-Asiryo | |
---|---|
934 BCE–609 BCE | |
Kabisera | Assur 934 BCE Nineveh 706 BCE Harran 612 BCE |
Karaniwang wika | Wikang Akkadiyo, Aramaiko |
Relihiyon | Henotheism |
Pamahalaan | Monarkiya |
Hari | |
• 934–912 BCE | Ashur-dan II (una) |
• 612–609 BCE | Ashur-uballit II (huling pinuno) |
Panahon | Panahong Bakal |
• Paghahari ni Ashur-dan II | 934 BCE |
• Labanan ng Nineveh | 612 BCE |
• Labanan ng Megiddo | 609 BCE |
Bahagi ngayon ng | Iraq Syria Turkey Egypt Saudi Arabia Jordan Iran Kuwait Lebanon Palestinian Authority Israel Cyprus Armenia |