Ang Memphis ay isang slab-serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo noong 1929 ni Dr. Rudolf Wolf at orihinal na nilabas ng Stempel Type Foundry.[1]

Agarang impormasyon Kategorya, Mga nagdisenyo ...
Memphis
Thumb
KategoryaSlab serif
Mga nagdisenyoDr. Rudolf Wolf
FoundryStempel Type Foundry
Petsa ng pagkalikha1929
Isara
Thumb
Memphis (right) on a metal type specimen sheet.

Isang "heometrikong" slab serif ang Memphis, na sinasalamin ang mga estilong heometrikong sans serif na Aleman (partikular ang Futura) na naakit ang maraming pansin, at ibinagay ang disenyo sa kayarian ng slab serif.[2] Mahigpit na monoline ang kayarian nito, na may "iisang-palapag" na 'a' tulad sa blackletter o sulat-kamay, na nasa halos ganap na bilog. Nilabas ito sa ilang mga bigat at may alternatibong mga karakter tulad ng mga swash, na ang gawang digital ay halos hindi napasama.[3]

May Ehiptong pangalan ang Memphis, na tumutukoy sa katotohanan na ang unang mga slab serif ay kadalasang tinatawag na "Egyptians" (mga taga-Ehipto) bilang isang eksotisismo ng mga ika-19 na siglong tagagawa ng tipo.[4][lower-alpha 1]

Mga tanda

  1. Bagaman, sa nakakalitong punto, ang katawagan ay unang ginamit upang tukuyin ang mga san serif, at ang pinakaunang mga slab-serif na kadalasang mga "Antigo."[5][6]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.