![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/60/Mayonnaise_%25281%2529.jpg/640px-Mayonnaise_%25281%2529.jpg&w=640&q=50)
Mayonesa
malapot at malamig na sarsa / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mayonesa ay makapal, malamig, at makremang sarsa o pampalasa na karaniwang ginagamit sa mga sandwich, hamburger, ensalada, at French fries. Bumubuo rin ito sa batayan ng mga iba pang sarsa, katulad ng sarsang tartaro, fry sauce, remoulade, salsa golf, at rouille.[1]
Agarang impormasyon Ibang tawag, Uri ...
![]() Isang garapon ng mayonesa | |
Ibang tawag | Mayo |
---|---|
Uri | Kondimento |
Lugar | Pransiya, Espanya |
Pangunahing Sangkap | Langis, apyak o pula ng itlog , at suka o katas ng limon |
|
Isara
Isang emulsyon ang mayonesa ng langis, apyak, at isang asido, suka man o katas ng limon;[2] maraming mga baryante na gumagamit ng karagdagang pampalasa. Iba-iba ang kulay mula sa halos puti hanggang sa maputlang dilaw, ang tekstura mula sa malabnaw na krema hanggang sa malapot na gel.
May mga ibinebentang imitasyon na walang itlog para sa mga umiiwas sa itlog ng manok dahil sa alerhiya, upang limitahan ang pandiyetang kolesterol, o dahil begano sila.[3]