Lutuing Indones
mga pagkaing patok sa panlasa ng Indones / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lutuing Indones ay koleksyon ng samu't saring tradisyon sa pagluluto sa mga rehiyong bumubuo sa kapuluang bansa ng Indonesya. Isang dahilan kung bakit may napakaraming uri ng resipi at lutuin ang komposisyon ng Indonesya. Halos 6,000 ang mataong pulo sa kabuuang 17,508 sa pinakamalaking kapuluan ng mundo,[1][2] na may higit sa 1,300 pangkat etniko.[3] Maraming umiiral na panrehiyong lutuin, madalas nakabatay sa katutubong kultura na may ilang banyagang impluwensyang dayuhan.[2]