From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang African lovebird o lovebird ay ang pangkaraniwang pangalan ng Agapornis (Griyego: αγάπη agape 'pag-ibig'; όρνις ornis 'ibon'), isang maliit na genus ng loro. Taal sa kontinente ng Africa ang walong species nito, samantalang ang Madagascar lovebird naman ay taal sa Madagascar.
Lovebird | |
---|---|
Pares ng peach-faced lovebird | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Psittaciformes |
Pamilya: | Psittaculidae |
Subpamilya: | Agapornithinae |
Sari: | Agapornis Selby, 1836 |
Species | |
Siyam - tingnan ang artikulo |
Nakuha ng African lovebird ang pangalan nito sa katangian nitong maging masalamuha, magiliw, at monogamo sa kanilang kapares na mapapansing kanilang laging katabi. Naninirahan ang mga ito sa maliliit na pangkat at kumakain ng mga bunga, gulay, damo, at mga butil ang mga African lovebird. Ang Abyssinian lovebird naman ay kumakain ng mga kulisap at igos, samantalang ang Swindern's lovebird ay nangangailangan ng lokál na igos, kung kaya ito'y mahirap gawíng alagaín.
Ang ilang species ay popular bilang alagang hayop—peach-faced lovebird, black-masked lovebird, fischer's lovebird, black-cheeked lovebird. Sa pag-iibon, ang mga ito'y nagbubunga ng iba't ibang kulay sa pamamagitan ng pilíng pagpapalahi. Ang karaniwang tumatagal ang búhay ng lovebird mula 10 hanggang 15 taon.[1]
Species (wild-types) | ||||
---|---|---|---|---|
Karaniwang pangalan | Pangalang binomial | Larawan | Likás na Katangian | Kinatatagpuan |
Fischer's lovebird | Agapornis fischeri | 14 cm (5.5 in) ang laki. Halos luntian lahat, kahel ang itaas ng katawan at ulo, asul ang bandang ibaba ng likod at pigî, pula ang tuka, may puti sa paligid ng mata. |
Timog at timog silangan ng Lawa ng Victoria sa hilagang Tanzania. | |
Black-masked lovebird o Personata |
Agapornis personatus | 14 cm (5.5 in) ang laki. Itim ang buong ulo, dilaw at luntian ang katawan, may asul na balahibo sa may buntot, pula ang tuka, may puti sa paligid ng mata |
Hilagang silangang Tanzania |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.