From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Louis VIII ang Leon (5 Setyembre 1187 – 8 Nobyembre 1226) ay namuno bilang Hari ng Pransiya mula 1223 hanggang 1226. Kasapi siya sa Sambahayan ng Capet. Ipinanganak si Louis VIII sa Paris, bilang anak na lalaki nina Philip II at Isabelle ng Hainaut. Siya rin ang Konde ng Artois mula 1190 hanggang 1226, dahil sa pagkakamana niya ng kondehan (county) mula sa kaniyang ina. Nanatiling nakadikit sa korona ang kondehan hanggang 1237, nang ibigay ng kaniyang anak na lalaking si Louis IX ang pamagat, ayon sa kagusutuhan ng kaniyang ama, sa mas nakababatang kapatid nalalaki ni Louis IX na si Robert nang maabot niya ang mayoridad.
Louis VIII ng Pransiya | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Setyembre 1187 (Huliyano)
|
Kamatayan | 8 Nobyembre 1226 (Huliyano)[1]
|
Mamamayan | Pransiya |
Trabaho | monarko |
Anak | Louis IX ng Pransya Carlos I ng Anjou |
Magulang |
Bagaman sandali lamang pamumuno ni Louis VIII bilang hari, na tumagal nang tatlong mga taon, naging masigla siyang pinuno bilang prinsipe ng korona habang nagaganap ang mga pakikidigma ng kaniyang ama laban sa mga Angevino na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Haring John. Ang kaniyang pamamagitan o interbensiyon sa piling ng mga puwersang royal na papasok sa Krusadang Albigensiano sa loob ng timog Pransiya ay talagang nakapagpapunta na mawakasan ang hidwaan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.