Lansangang-bayang Jose P. Laurel
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lansangang-bayang Jose P. Laurel (Jose P. Laurel Highway) ay isang pambansang lanangan sa lalawigan ng Batangas sa rehiyon ng Calabarzon. Kalinya nito ang Southern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway, E2), at tumatawid ang mga ito sa isa't-isa sa lungsod ng Lipa. Kasama sa lansangan ang isang maigsing bypass route sa may poblasyon ng Santo Tomas, na sumasangay mula sa lansangan at dumudugtong sa Lansangang-bayang Maharlika sa Tagpuang Santo Tomas.
![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Lansangang-bayang Pangulong Jose P. Laurel President Jose P. Laurel Highway | ||||
---|---|---|---|---|
Daang Maynila–Batangas (Manila–Batangas Road) | ||||
Lansangang-bayang Jose P. Laurel sa lungsod ng Lipa. | ||||
Impormasyon sa ruta | ||||
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan | ||||
Bahagi ng |
| |||
Pangunahing daanan | ||||
Mula sa | ![]() ![]() | |||
| ||||
Hanggang | Kalye M.H. del Pilar sa Lungsod ng Batangas | |||
Lokasyon | ||||
Mga pangunahing lungsod | Tanauan, Lipa, Lungsod ng Batangas | |||
Mga bayan | Santo Tomas, Malvar, San Jose | |||
Sistema ng mga daan | ||||
Mga daanan sa Pilipinas
|
Alinsunod sa pagsasakatuparan ng Sistemang Pamilang sa Ruta (Route Numbering System) ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) mula noong taong 2014, ang kabuuang lansangan, kasama ang maigsing karugtong sa Santo Tomas, ay itinakdang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 4 o Rutang 4 (N4).