Lansangang-bayang Aguinaldo
pangunahing lansangan sa lalawigan ng Kabite, Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lansangang-bayang Aguinaldo (Ingles: Aguinaldo Highway), na kilala din bilang Cavite-Batangas Road at Manila West Road, ay isang lansangang-bayan panlalawigan na may anim na linya at haba na 41.4 kilometro (25.7 milya) at dumadaan sa mga pinaka-abalang bayan at lungsod sa lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Ito ang pinaka-maabala at pinaka-matrapik sa mga tatlong pangunahing lansangan sa lalawigan (ang dalawang iba pa ay Daang Juanito Remulla Sr. (dating Daang Governor) at Lansangang-bayang Antero Soriano). Ang hilagang dulo ng lansangan ay nasa Las Piñas sa Kalakhang Maynila. Dadaan ito sa Bacoor, Imus, Dasmariñas, Silang, at tatapos ito sa Tagaytay.
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Lansangang Aguinaldo Aguinaldo Highway | |
---|---|
Lansangang-bayang Aguinaldo patimog patungong Abenida Nueno sa Imus. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 41.4 km (25.7 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() |
![]() | |
Dulo sa timog | ![]() |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Bacoor, Imus, Dasmariñas, Tagaytay |
Mga bayan | Silang, Alfonso |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Bahagi ang lansangan ng Daang Radyal Blg. 2 (R-2) ng sistemang pamilang ng mga daan sa Kamaynilaan. Bahagi rin ito ng tatlong ruta ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas: N62 sa Bacoor, N419 mula Bacoor hanggang Silang, at N410 sa nalalabing bahagi na papuntang Tagaytay.