Lalawigan ng Cuneo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Cuneo (Italyano), o Coni (Piamontes), ay isang lalawigan sa timog-kanluran ng rehiyon ng Piamonte ng Italya. Sa kanluran ito ay may hangganan sa rehiyong Pranses ng Provence-Alpes-Côte d'Azur (mga departamento ng Alpes-Maritimes, Alpes-de-Haute-Provence, at Hautes-Alpes). Sa hilaga ito ay hangganan ng Kalakhang Lungsod ng Turin. Sa silangan ito ay hangganan ng lalawigan ng Asti. Sa timog ito ay hangganan ng mga lalawigan ng Liguria na Savona at Imperia. Kilala rin ito bilang La Provincia Granda, Piamontes para sa "Ang Malaking Lalawigan", dahil ito ang pang-apat na pinakamalaking lalawigan sa Italya (kasunod ng mga lalawigan ng Sassari, Timog Tirol, at Foggia) at ang pinakamalaki sa Piamonte.[1] Ang Briga Marittima at Tenda ay bahagi ng lalawigang ito bago ang pagpunta sa Pransiya noong 1947.[2]
Lalawigan ng Cuneo | |||
---|---|---|---|
Ang luklukang panlalawigan | |||
| |||
Mapang nagpapakita ng kinaroroonan ng Lalawigan ng Cuneo sa Italya | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Piamonte | ||
Kabesera | Cuneo | ||
Comune | 250 | ||
Pamahalaan | |||
• Pangulo | Federico Borgna | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 6,902 km2 (2,665 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (30 Hunyo 2016) | |||
• Kabuuan | 590,309 | ||
• Kapal | 86/km2 (220/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Postal code | 12100 | ||
Telephone prefix | 0171 | ||
Plaka ng sasakyan | CN | ||
ISTAT | 004 | ||
Websayt | provincia.cuneo.it |