Labanan sa Stalingrado
Pangunahing labanan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Labanan sa Stalingrado (Agosto 23, 1942 – Pebrero 2, 1943) ay pangunahing sagupaang militar sa Silangang Hanay ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan kinalaban ng Alemanyang Nazi ang Unyong Sobyetiko para sa kontrol sa lungsod ng Stalingrado sa Timog Russia. Ang labanan ay nailalarawan sa pamamagitan ng mabangis na malapit na labanan at direktang pag-atake sa mga sibilyan sa mga pagsalakay sa himpapawid, na ang labanan ay nagpapakita ng digmang kalunsuran, at ito ay malawak na itinuturing bilang ang nag-iisang pinakamalaking labanan sa lungsod sa kasaysayan.
Labanan ng Stalingrado Schlacht von Stalingrad (Aleman) Сталинградская битва (Ruso) Stalingradskaya bitva | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Silangang Teatro ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig | |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
Unyong Sobyet |
Alemanya
Rumanya | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
Joseph Stalin |
Adolf Hitler | ||||||
Lakas | |||||||
Inisyal: 2,500,000 sundalo mahigit 1,150,000 katao ang nasa mga kapaligiran ng Stalingrad 5,000 tangke 18,000 kanyon at mga mortar 3,000 eroplanong pandigma |
Inisyal: 1,040,000 sundalo: mahigit 400,000 ay mga Aleman, mula naman sa mga kaalyado ng nabanggit ang iba pa 1,200 tangke 10,000 kanyon at mga mortar 800 eroplanong pandigma | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
1,130,000 sundalong namatay, nasugatan, nagkasakit at nawawala 4,000 tangkeng nawasak 15,000 kanyon at mga mortar na nawasak 2,700 eroplanong nawasak |
mahigit ~1,000,000 sundalong namatay, nasugatan, nagkasakit at nawawala 100,000 nabihag 2,000 tangkeng nawasak 6,000 kanyon at mga mortar na nawasak 1,000 eroplanong nawasak Pagkawasak ng buong Ika-6 Hukbo ng Alemanya |
Nangyari ang labanan sa Stalingrad noong ika-23 ng Agusto hanggang ika-2 ng Pebrero, 1943, sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan nagsagupaan ang mga hukbo ng Alemanya at mga kaalyado laban sa mga hukbo ng mga Sobyet para sa kontrol ng Lungsod ng Stalingrad (Volgograd sa kasulukuyan) sa timog-silangang Rusya. Tumagal ang labanan sa 5 buwan, isang linggo at 3 araw.
Kilala ang labanan sa hindi kailanmang matutumbansang bangis ng labanan sa loob ng lungsod, walang humpay na pandadanak ng dugo sa bawat isa, at ang pagwawalang-bahala sa mga biktima sa labanan, mapa-militar man o mapa-sibilyan. Isa ang labanan sa mga pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng daigdig. Napakalaki ang pinaghalong bilang ng mga biktima sa labanan na aabot ng hindi bababa sa dalawang milyon ang namatay, nasugatan at nagkasakit. Naging balakid ang labanan para sa mga Aleman kung saan ito na ang pangwakas na katapusan ng kanilang mga tagumpay sanhi ng dami ng nawalang tauhan at mga kagamitang pandigma para isagawa pa ang pakikidigma sa mga lupain ng Unyong Sobyet, bagkus nawalan ng pagkakaisa para muling magtagumpay sa mga labanan sa Silangang Teatro ng pakikipaglaban sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.