Kondado ng Brunswick, Hilagang Carolina
Hilagang Carolina From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kondado ng Brunswick (Ingles: Brunswick County) ay ang pinakatimog na kondado sa estado ng Hilagang Carolina, Estados Unidos. Magmula noong senso 2010, may 107,431 katao na nakatira sa kondado.[2] Dahil nasa 73,143 katao lamang ang populasyon nito noong 2000, naging isa ito sa pinakamabilis na lumalagong kondado sa estado, na may nominal na reyt ng paglaki na humigit-kumulang 47% sa loob ng sampung mga taon, kalakip ng karamihang paglaki na nakasentro sa silangang bahagi ng kondado, mga naik ng Wilmington tulad ng Leland, Belville at Southport. Mayroon itong tinatayang populasyon na 136,744 katao noong 2018 at pang-apat ito sa mga kondadong may mabilis na lumalaking populasyon. Ang luklukan ng kondado ay ang bayan ng Bolivia, na may humigit-kumulang 150 katao at isa sa may pinakamababang populasyon na mga lulukan ng kondado (county seats) sa estado.[3]
Kondado ng Brunswick Brunswick County | |
---|---|
county of North Carolina | |
Mga koordinado: 34°02′N 78°13′W | |
Bansa | Estados Unidos ng Amerika |
Lokasyon | Hilagang Carolina, Estados Unidos ng Amerika |
Itinatag | 1764 |
Kabisera | Bolivia |
Bahagi | Talaan
|
Lawak | |
• Kabuuan | 2,720 km2 (1,050 milya kuwadrado) |
Populasyon (1 Abril 2020, Senso)[1] | |
• Kabuuan | 136,693 |
• Kapal | 50/km2 (130/milya kuwadrado) |
Websayt | http://www.brunsco.net |
Nakapaloob ang Kondado ng Brunswick sa Myrtle Beach-Conway-North Myrtle Beach, SC-NC Metropolitan Statistical Area. Dati itong bahagi ng Wilmington, NC Metropolitan Statistical Area. Pinagtalunan ng mga pinuno ng Kondado ng Brunswick at Wilmington ang pagbabago ng pagtatalaga ng kalakhang pook, pero hindi naging matagumpay ito.[4]
Turismo ang pangunahing tagasustento ng ekonomiya ng kondado, dahil sa mga pamayanang pandalampasigan sa nakaharap sa timog na mga dalampasigang paglampas ng Tangos ng Fear tulad ng Bald Head Island (ang pinakatimog na punto ng Hilagang Carolina) at Pulo ng Oak na kabilang sa pinakapatok na mga pinupuntahan. Ang bayan ng Calabash naman na nasa hangganan ng Timog Carolina ay kilala sa kanilang pagkaing-dagat na ipinirito, kalakip ng mga kainang "ala-Calabash" sa lugar. Isa ring tampok na lokasyon ang kondado ng pag-shoshooting para sa maraming mga pelikula at palabas sa telebisyon, dahil sa pagiging malapit nito sa mga Estudyo ng EUE/Screen Gems sa kalapit na Wilmington.
Kasaysayan
Binuo ang kondado noong 1764 mula sa mga bahagi ng Kondado ng Bladen at Kondado ng New Hanover. Ipinangalan ito mula sa pantalang pangkolonya ng Brunswick Town (mga guho na sa kalaukuyan) na ipinangalan naman mula sa Dukado ng Brunswick-Lüneburg na noon ay hawak pa ng mga haring Briton ng Pamahayan ng Hanover.
Mga komunidad
Mga lungsod
- Boiling Spring Lakes
- Northwest
- Southport
Mga bayan
- Belville
- Bolivia (luklukan ng kondado)
- Calabash
- Carolina Shores
- Caswell Beach
- Holden Beach
- Leland
- Navassa
- Oak Island
- Ocean Isle Beach
- Sandy Creek
- Shallotte
- St. James
- Sunset Beach
- Varnamtown
Mga nayon
- Bald Head Island
Mga township
- Lockwood Folly
- Northwest
- Shallotte
- Smithville Township
- Town Creek
- Waccamaw
Mga hindi-saping komunidad
- Antioch
- Ash
- Batarora
- Bell Swamp
- Bishop
- Biven
- Bonaparte Landing
- Boone's Neck
- Bowensville
- Brunswick Station
- Camp Branch
- Cedar Grove
- Civietown
- Clairmont
- Clarendon
- Coolvale
- Doe Creek
- Eastbrook
- Easy Hill
- Half Hell
- Longwood
- Maco
- Piney Grove
- Red Bug
- Sunset Harbor
- Supply
- Thomasboro
- Winnabow
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.