Map Graph

Kondado ng Brunswick, Hilagang Carolina

Hilagang Carolina

Ang Kondado ng Brunswick ay ang pinakatimog na kondado sa estado ng Hilagang Carolina, Estados Unidos. Magmula noong senso 2010, may 107,431 katao na nakatira sa kondado. Dahil nasa 73,143 katao lamang ang populasyon nito noong 2000, naging isa ito sa pinakamabilis na lumalagong kondado sa estado, na may nominal na reyt ng paglaki na humigit-kumulang 47% sa loob ng sampung mga taon, kalakip ng karamihang paglaki na nakasentro sa silangang bahagi ng kondado, mga naik ng Wilmington tulad ng Leland, Belville at Southport. Mayroon itong tinatayang populasyon na 136,744 katao noong 2018 at pang-apat ito sa mga kondadong may mabilis na lumalaking populasyon. Ang luklukan ng kondado ay ang bayan ng Bolivia, na may humigit-kumulang 150 katao at isa sa may pinakamababang populasyon na mga lulukan ng kondado sa estado.

Read article
Talaksan:Old_Brunswick_County_Courthouse.JPGTalaksan:Map_of_North_Carolina_highlighting_Brunswick_County.svgTalaksan:Map_of_Brunswick_County_North_Carolina_With_Municipal_and_Township_Labels.PNGTalaksan:Compass_rose_pale-50x50.png