Karne norte
produktong gawa sa inasnang baka / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang karne norte (Ingles: corned beef) ay inasinang pitso ng baka.[1] Nagmula ang katawagang ito mula sa wikang Kastila, at "hilagang karne" ang ibig sabihin nito. Ang katawagan naman sa Ingles ay nagmumula sa malalaking asin na ginagamit sa pag-iimbak ng karne, na tinatawag na corn. Minsan, hinahaluan ito ng asukal at espesya. Itinatampok ang karne norte bilang sahog sa maraming mga lutuin.
Ibang tawag | Corned beef |
---|---|
Pangunahing Sangkap | Baka, asin |
Baryasyon | Pagdagdag ng asukal at espesya |
|
Mayroong nitrato sa karamihan mga ng resipi nito, na nag-coconvert sa likas na myoglobin sa baka na maging nitrosomyoglobin, na nagpapakulay-rosas sa karne. Ang mga nitrato at nitrite ay nakakabawas sa panganib ng delikadong botulismo habang inaasin sa pagpipigil ng pagdami ng Clostridium botulinum,[2] ngunit naiugnay rin ito sa tumataas na panganib ng kanser sa mga daga.[3] Kulay-abo ang bakang inasin na walang nitrato o nitrite, at tinatawag minsan na New England corned beef.[4]
Naging sikat na pagkain ang karne norte sa mga digmaan, kabilang dito ang Ika-1 at Ika-2 Digmaang Pandaigdig, kung kailan nirasyon ang sariwang karne. Sikat pa rin ito sa buong mundo bilang sahog sa mga pagkain sa mga iba't ibang rehiyon at karaniwang bahagi sa modernong rasyon ng mga iba't ibang sandatahang lakas sa mundo.