uri ng karne norte sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ginisang karne norte, na kilala rin bilang karne norte gisado, ay isang ulam sa Pilipinas na gawa sa hiniblang karne norte mula sa de-lata na ginisa sa sibuyas. Napakasimple ang ulam na ito at kinakain nang marami sa almusal kasabay ng kanin o pandesal. Maaari rin itong dagdagan ng dinais na patatas, karot, sibuyas, kamatis, repolyo, siling-pula, at bawang.[1][2][3][4] Isang kilalang baryante nito ang sinabawang karne norte, kung saan idinadagdag ang kaldo o tubig sa ulam matapos itong igisa anupat ginagawa itong mas masabaw.[5][6]
Ibang tawag | Karne norte gisado, Ginisang corned beef, Corned beef guisado |
---|---|
Kurso | Ulam, pamutat |
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | Mainit-init |
Pangunahing Sangkap | Karne norte, sibuyas |
Baryasyon | Sinabawang karne norte |
Mga katulad | Tortang karne norte |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.