Karapatan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang karapatan ay prinsipyong legal, panlipunan, o etikal ng kalayaan o pribilehiyo; ibig sabihin, ang karapatan ay ang mga pundamental na tuntunin sa nakatakdang pamantayan tungkol sa kung ano ang pinahihintulutan ng mga tao o utang sa mga tao ayon sa ilang sistemang legal, panlipunang kumbensiyon, o teoryang etikal.[1] Isa ang karapatan sa bagay na iniintindi sa mga disiplina gaya ng batas at etika, lalo na ang mga teorya ng hustisya at deontolohiya .
Kadalasang nagsasangkot ang kasaysayan ng mga salungatan sa lipunan upang tangkaing bigyan kahulugan o muling bigyan kahulugan ang karapatan. Ayon sa Stanford Encyclopedia of Philosophy, "binibigyan kayarian ng karapatan ang anyo ng mga pamahalaan, ang nilalaman ng mga batas, at ang hugis ng moralidad ayon sa kasalukuyang nakikita".[1]