Deontolohiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang deontolohiya (mula sa Sinaunang Griyego: δέον "katungkulan" + λόγος "-lohiya") ay paraan ng etika na humahatol sa isang moralidad ng isang aksiyon batay sa isang serye ng mga patakaran at prinsipyo. Ang mga deontolohiya ay nag-aaral ng mga patakaran at katungkulan sa kanilang sariling karapatan, imbes na batay sa mga resulta ng aksiyon. Kalimitang itinatangi ang deontolohiya mula sa konsekwensiyalismo, utilitarismo, etikang birtud, at pragmatikong etika. Sa itong terminolohiya, ang isang aksiyon ay mas mahalaga kaysa sa kaniyang mga konsekwensiya.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Sa Ingles, ang terminong deontological ay munang ginamit para ilarawan ang kasalukuyang, espesipikong katuturan ni C. D. Broad sa kaniyang aklat ng 1930, Five Types of Ethical Theory (Tagalog: Limang Uri ng Etikal na Teorya). Ang isang mas lumang paggamit ng termino ay nahahanap sa Jeremy Bentham, kung sino nag-imbento ito bago 1816 bilang isang sinonimo ng dicastic o censorial ethics (kumbaga, etika batay sa husga o hutol). Ang mas pangkalahatang kahulugan ng salita ay pinananatili sa Pranses, lalo na sa terminong code de déontologie (etikal na kodigo) sa konteksto ng etikang pamprupesyon.
Depende sa sistema ng deontolohikal na etika na iniisip, maaaring lumitaw ang isang obligasyong moral mula sa isang panlabas o panloob na pinagmulan, tulad ng isang pangkat ng mga patakarang inherenteng sa uniberso (etikal na naturalismo), relihiyosong batas, o isang pangkat ng personal o kultural na prinsipyo (alinman sa mga ito ay maaaring salungat sa mga personal na hangarin). Ang deontolohiya ay kalimitang ginagamit ng mga pamahalaan na nagpapahintulot sa mga tao, na naninirahan sa ilalim ng pamahalaan, na mamuhay ayon sa isang hanay ng mga napagkasunduang patakaran.