From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jeremy Bentham ( /ˈbɛnθəm/; 15 Pebrero 1748 OS – 6 Hunyo 1832) ay isang British na pilosopo, hurista, at repormer ng lipunan. Siya ay itinuturing na tagapagtatag ng modernong utilitarianismo. Siya ay naging isang pangunahing teorista ng Anglo-Amerikanong pilosopiya ng batas at isang radikal na pampolitika na ang mga ideya ay nakaimpluwensiya sa pagunlad ng welfarismo. Kanyang itinaguyod ang kalayaang indibidwal at ekonomika, ang paghihiwalay ng simbahan at estado, ang kalayaan ng paghahayag, pantay na karapatan para sa mga kababaihan, ang karapatan sa diborsiyo at pagaalis ng kriminalisasyon ng mga aktong homosekswal.[1] Kanyang itinaguyod ang pagbuwag ng pang-aalipin, ang pagbuwag ng parusang kamatayan at pagbuwag ng parusang pisikal kabilang sa mga bata.[2] Siya ay nakilala rin bilang maagang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga hayop.[3] Bagaman malakas siyang pumabor sa pagpapalawig ng mga karapatang pambatas ng indibidwal, kanyang sinalungat ang ideya ng natural na batas at mga natural na karapatan.[4]
Ipinanganak | 15 Pebrero 1748 London, England |
---|---|
Namatay | 6 Hunyo 1832 84) London, England | (edad
Panahon | 18th century 19th century |
Eskwela ng pilosopiya | Utilitarianism, legal positivism, liberalism |
Mga pangunahing interes | Political philosophy, philosophy of law, ethics, economics |
Mga kilalang ideya | Greatest happiness principle |
Naimpluwensiyahan ni
| |
Nakaimpluwensiya kay
| |
Lagda |
Si Bentham ay isa sa mga kauna-unahang bumuo ng teoryang sistema ng utilitaryanismo. Mayroon itong dalawang tampok. Una, sinabi ni Bentham na kailangan nating ipagkumpara ang magiging resulta ng ating mga aksyon para malaman natin kung tama ba o mali ang ating mga gagawin. Ang aspetong ito ay mas kilala bilang act-utilitarianism. Pangalawa, kailangan din nating ikonsidera ang mga kasiyahan gayundin sa mga paghihirap na magiging resulta ng ating mga aksyon. Ito rin ay kilala bilang hedonistic utilitarianism.[5] Sa kasalukuyan, si Bentham ay kilala bilang Ama ng Makabagong Utilitaryanismo.[6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.