From Wikipedia, the free encyclopedia
Si John Stuart Mill, FRSE (20 Mayo 1806 – 8 Mayo 1873) ay isang Ingles na pilosopo, ekonomistang pampolitika at lingkod na sibil. Siya ay isang maimpluwensiya (influential) an tagapag-ambag sa teoriyang panlipunan, teoriyang pampolitika at ekonomiyang pampolitika. Siya ay tinawag na "ang pinakamaimpluwensiya (most influential) na nagsasalita ng Ingles na pilosopo ng ikalabingsiyam na siglo".[3] Ang naisip ni Mill na kalayaan ay nangangatwiran sa kalayaan ng indibidwal bilang taliwas sa walang limitasyong pagkontrol ng estado.[4] Siya ay isang tagapagtaguyod ng utilitarianismo na isang teoriyang etikal na binuo ni Jeremy Bentham. Sa pag-asa niya na lunasan ang mga problemang matatagpuan sa isang pamamarang induktibo sa agham gaya ng ng pagkiling ng kompirmasyon, kanyang maliwanag na iminungkahi ang mga premisa ng pagpapamali bilang mahalagang bahagi ng pamamaraang siyentipiko.[5] Si Mill ay isa ring kasapi ng Parliamento ng United Kingdom at isang mahalagang katauhan sa pilosopiyang pampolitika na liberal.
Ipinanganak | 20 Mayo 1806 Pentonville, London, England |
---|---|
Namatay | 8 Mayo 1873 66) Avignon, France | (edad
Tirahan | United Kingdom |
Nasyonalidad | British |
Panahon | 19th-century philosophy, Classical economics |
Rehiyon | Western Philosophy |
Eskwela ng pilosopiya | Empiricism, utilitarianism, liberalism |
Mga pangunahing interes | Political philosophy, ethics, economics, inductive logic |
Mga kilalang ideya | Public/private sphere, hierarchy of pleasures in Utilitarianism, liberalism, early liberal feminism, harm principle, Mill's Methods |
Naimpluwensiyahan ni
| |
Nakaimpluwensiya kay
|
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.