From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Justin Pierre James Trudeau MP (ipinanganak Disyembre 25, 1971) ay isang pulitiko mula Canada na siyang pinuno ng Liberal Party at kasalukuyang punong ministro ng Canada at Pinuno ng Partidong Liberal.[6][7] Siya ang pangalawang pinakabatang naging punong ministro ng Canada.[8][9]
Justin Trudeau | |
---|---|
Kapanganakan | 25 Disyembre 1971 |
Mamamayan | Canada |
Nagtapos | McGill University[2] University of British Columbia[2] |
Trabaho | politiko, abogado, jurist |
Opisina | Punong Ministro ng Canada (4 Nobyembre 2015–)[3] |
Asawa | Sophie Grégoire (28 Mayo 2005–2 Agosto 2023)[4] |
Magulang |
|
Pamilya | Michel Trudeau Alexandre Trudeau |
Pirma | |
Si Trudeau ay ang panganay na anak ng dating Punong Ministro ng Canada na si Pierre Trudeau at ni Margaret Trudeau. Nahalal siya bilang Miyembro ng Parlamento ng Papineau noong 2008 at muling nahalal noong 2011 at 2015. Nanungkulan siya bilang kritiko ng Liberal Party para sa Kabataan at Multikulturalismo, Pagkamamamayan at Pandarayuhan, Post-Sekundaryang Edukasyon, at Kabataan at Amateur na Isport. Noong Abril 14, 2013, nahalal si Trudeau bilang lider ng Liberal Party ng Canada. Itinalaga si Trudeau bilang susunod na punong ministro matapos matagumpay na pamunuan ang pagkapanalo ng kaniyang partido sa halalang pederal noong Oktubre 19, 2015 sa isang mayoryang gobyerno.[10][11] Inaasahan siyang manumpa sa tungkulin sa Nobyembre 2015, kung kailan igagawad sa kaniya ang panghabambuhay na panggalang na estilong The Right Honourable. Sa kaniyang pagsumpa sa tungkulin, siya ang ikalawang pinakabatan at unang anak ng isang dating punong ministro na naging punong ministro.[12]