From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Punong Ministro ng Canada (Ingles: Prime Minister of Canada, Pranses: Premier ministre du Canada) ay ang pangunahing ministro ng Korona, tagapangulo ng Gabinete, at siyang puno ng pamahalaan ng Canada, na may katungkulang payuhan ang monarko ng Canada o ang federal viceroy sa pagpapatupad ng kapangyarihang tagapagpaganap nito ayon sa saligang-batas.[1] Hindi nakasulat sa alinmang dokumentong konstitusyonal, umiiral ang taggapan dahil sa mahabang-kasanayang (nagmula sa United Kingdom, ang dating kapangyarihang kolonyal ng Canada) nagtatakda sa kinatawan ng monarko, ang gobernador-heneral, ay kailangang pumili ng isang punong ministro na inaasahang makakakuha ng kumpiyansa ng ihinahalal na House of Commons. Ito ay ang karaniwang lider ng partidong may hawak ng pinakamaraming puwesto sa naturang kapulungan.[2] Ang mga punong ministro ng Canada ay gumagamit ng estilong The Right Honourable (Pranses: Le Très Honorable), isang panghabambuhay na pribilehiyo.
Punong Ministro ng Canada | |
---|---|
Tanggapan ng Punong Ministro | |
Istilo | The Right Honourable |
Kasapi ng |
|
Nag-uulat sa/kay |
|
Tirahan |
|
Nagtalaga | Gobernador Heneral ng Canada |
Haba ng termino | At Her Majesty's pleasure |
Nagpasimula | Sir John A. Macdonald |
Nabuo | 1 Hulyo 1867 |
Sahod | CAD163,700 sa pagiging kasapi ng Parlamento + CAD163,700 sahod ng Punong Ministro $327,400 |
Websayt | pm.gc.ca |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.