From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jesse Manalastas Robredo ay isang politikong Pilipino na naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang sa kanyang kamatayan noong 2012. Dati ring kasapi si Robredo ng Partido Liberal.
Jesse Robredo QSC CCLH | |
---|---|
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal | |
Nasa puwesto 9 Hulyo 2010 – 18 Agosto 2012 | |
Pangulo | Benigno Aquino III |
Nakaraang sinundan | Benigno Aquino III (Akting) |
Sinundan ni | Paquito Ochoa (Acting) |
Alkalde ng Lungsod ng Naga | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2001 – 30 Hunyo 2010 | |
Diputado | Esteban Abonal Gabriel Bordado |
Nakaraang sinundan | Sulpicio Roco |
Sinundan ni | John Bongat |
Nasa puwesto 2 Pebrero 1988 – 30 Hunyo 1998 | |
Diputado | Lourdes Asence |
Nakaraang sinundan | Carlos Del Castillo |
Sinundan ni | Sulpicio Roco |
Personal na detalye | |
Isinilang | 27 Mayo 1958 Lungsod ng Naga, Camarines Sur, Pilipinas |
Yumao | 18 Agosto 2012 54) Lungsod ng Masbate, Masbate, Pilipinas | (edad
Dahilan ng pagkamatay | Pagbagsak ng sinasakyang eroplano sa dagat ng Masbate |
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Partido Liberal |
Asawa | Maria Leonor Gerona Robredo[1] |
Relasyon | Married |
Anak | Aika, Patricia at Jillian Therese |
Alma mater | Pamantasang De La Salle Pamantasang Harvard Unibersidad ng Pilipinas, Diliman |
Trabaho | Pulitiko |
Simula noong 1988, naglingkod nang anim na taning si Robredo bilang alkalde ng Lungsod ng Naga sa Camarines Sur, mula 1988 hanggang 1998, at muli mula 2001 hanggang 2010, noong siya'y ipinili ni Pangulong Aquino bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Bilang pagkilala sa kaniyang tungkulin bilang alkalde ng Lungsod ng Naga, ginawaran si Robredo ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Panunungkulan sa Pamahalaan noong 2000, ang unang alkalde mula sa Pilipinas na ginawaran ng ganitong parangal.
Noong 18 Agosto 2012, ay nag crash ang eroplanong sinasakyan ni Kalihim Robredo sa may pampang ng Lungsod ng Masbate.[2] Nakatakda siyang umuwi sa Naga upang dalawin ang kaniyang anak na lalahok sa isang paligsahan sa paglalangoy. Ayon sa DILG, sumaklolo ang piloto ng eroplano sa Paliparan ng Masbate upang humiling ng pahintulot na magsagawa ng pangkagipitang paglapag ng eroplano. Gayunpaman, hindi naabutan ng eroplano ang paliparan at lumapag ito sa dagat.[3][4] Nakunan naman ang bangkay ni Robredo noong 21 Agosto, tatlong araw makatapos ang aksidente, sa lalim na 54 metro (180 talampakan) sa ilalim ng antas ng dagat.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.