From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jascha Heifetz (2 Pebrero 1901–10 Disyembre 1987) ang pinakatanyag na violinist, kadalasang tinatagurian na pinakadakila sa alinmang panahon at ang pinakatanyag sa ika-20 siglo.
Jascha Heifetz | |
---|---|
Kapanganakan | 20 Enero 1901 (Huliyano)
|
Kamatayan | 10 Disyembre 1987[1]
|
Mamamayan | Imperyong Ruso Estados Unidos ng Amerika (1925–)[2] |
Trabaho | music educator, guro[2] |
Si Heifetz ay isinilang na isang Hudyo sa Vilna sa Lithuania. May pagtatalo kung anung taon siya tunay na ipinanganak, na ipinalalagay na maaring dalawang taon bago ang opisyal na petsa ng kapanganakan (1899 o 1900). Ang kaniyang Ama ay concertmaster ng Vilna Symphony Orchestra at nagsimulang tumugtog ng Violin si Jascha noong sya'y 3 taong gulang pa lamamng. Sya’y isang batang prodigy, na nakatugtog ng Konsiyerto ni Mendelssohn noong siya'y pitong taong gulang pa lamang sa siyudad ng Kovno (ngayon ay Kaunas, Lithuania).
Noong 1910 pumasok siya sa Konservatoryio ng St Petersburg upang magaral sa ilalim ng pagtuturo ni Leopold Auer. Naglakbay siya para tumugtog sa Alemanya at Scandinavia noong siya'y 12 taong gulang pa lamang,dito'y nakaharap niya si Fritz Kreisler sa kaunaunahang pagkaktaon sa isang bahay sa Berlin (dito sinabi ni Kreisler matapos niyang akompanyahan ang 12 taong gulang na bata sa pagtatanghal ng Mendelssohn Concierto na " maaari na nating baliin ang ating mga violin sa ating mga tuhod") Nilakbay ni Heifetz ang halos lahat ng bansa sa Europa noong siya'y nasa pagitan ng 13-19 na gulang.
Ang una niyang pagtatanghal sa Amerika ay noong ika-27 Oktubre, 1917 noong tumugtog siya sa Bulwagang Carnegie. Kasalukuyang nagaganap ang Unang Digmaang Pandaigdig. Tumira siya sa bansang ito at naging mamamayang Amerikano noong 1925. Nakapagtanghal siya ng napakaraming pagkakataon at nakapagrecording siya ng kanyang mga tugtugin. Ang una niyang pangkomersiyal na recording ay nagawa noong ika-7 Nobyembre, 1917 at sa buong buhay niya ay nagrecord siya para sa RCA Victor. Mayroon siyang dalisay at malinis na technique at mabilis na vibrato. Paminsan minsan ang kanyang halos perfectong technique at ang kanyang paguugali sa entablado ay naging dahilan upang siya'y akusahan ng pagiging mekanikal at malamig o walang pakiramdam. Magkagayunman karamihan sa Tagapuna o mga Kritiko ay nagkakaisa na sabihing binibigyan niya ng damdamin at buhay ang mga musika na kanyang tinutugtog batay sa kagustuhan ng Kompositor.
Si Heifetz ay kadalasan na naaaliw sa chamber music (musika na tinutugtog ng mga 3-10 katao na kadalasang tinutugtog sa isang maliit na silid o chamber). Subalit ang tagumpay niya sa larangang ito ay medyo limitado. Sa dahilang ang kanyang personalidad ay waring nangingibabaw sa kanyang mga kasama sa pagtugtog. Ang mga kapansin-pansing pakikipag kalaborasyong niya ay ang kanyang mga sa mga Komposisyon ni Beethoven, Schubert, at Brahms kasama ang celista Emmanuel Feuermann at pianista Arthur Rubinstein noong 1940. Nagkaroon din siya ng pakikipagkolaborasyon kina Rubinstein at cellistang si Gregor Piatigorsky, kung saan nagrekord sila ng mga Obra nina Ravel, Tchaikovsky, at Mendelssohn.
Si Heifetz ay nagpagawa o nagpakommisyon ng mga Komposiyon para sa Violin at ang isa sa pinakakilala rito ay ang Violin Concerto ni William Walton. Nagareglo rin siya ng ilang mga piyesa gaya ng Hora Staccato ni Grigoras Dinicu, isang Romanian gypsy na itinuturing ni Heifetz na siyang pinakamahusay na violinista na kanyang narinig. Sumulat din siya ng isang hit song, "When you make love to me, don't make believe", sa pangalang alias na Jim Hoyl.