Ice Spice
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Isis Naija Gaston (ipinanganak noong Enero 1, 2000), na mas kilala bilang Ice Spice, ay isang Amerikanong rapper. Lumaki siya sa Bronx, New York City, at nagsimula ang kanyang karera noong 2021 pagkatapos niyang nakilala ang record producer na si RiotUSA.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Sumikat ang Ice Spice noong 2022 sa kanyang kantang "Munch (Feelin' U) ", na sumikat mula sa TikTok. Mga iba pang naging popular na kanta niya pagkatapos nito ay ang "Bikini Bottom " at " In Ha Mood ", na humahantong sa kanyang debut na extended play, Like..? (2023). Nakamit niya ang kanyang unang entry sa US Billboard Hot 100 chart kasama ni Lil Tjay sa kolaborasyon nila na " Gangsta Boo ". Ang kanyang iba pang collaborations ay ang " Boy's a Liar Pt. 2 " (kasama ni PinkPantheress ), " Princess Diana " (kasama ni Nicki Minaj ), " Karma " (kasama ni Taylor Swift ), at "Barbie World " (kasama ni Nicki Minaj at ang Aqua ) na umabot sa tatlong numero, apat, dalawa at pito ng Hot 100 chart. Siya ay ang artista na may pinakamaraming Hot 100 top-five single noong 2023.
Pinuri ng mga music journalists ang istilo ng rapping ni Ice Spice dahil sa pagka. Ang mga publikasyon tulad ng The New York Times at Billboard ay tinawag siyang "bagong Princess of Rap";[1] habang inilarawan siya ng Time bilang isang "breakout star ".[2]