Hypothalamus
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang hypothalamus (mula sa Griyego ὑπό, "ilalim" at θάλαμος, thalamus) ay isang bahagi ng utak na naglalaman ng mga maliit na nuclei na may iba't ibang mga gawain. Isa sa pinakamahalagang gawain ng hypothalamus ay upang ikonekta ang sistemang nerbiyos sa sistemang endokrina sa pamamagitan ng glandulang pitwitaryo (hypophysis).
Utak: Hypothalamus | ||
---|---|---|
![]() | ||
Lokasyon ng hypothalamus ng tao | ||
![]() | ||
Lokasyon ng hypothalamus, kapag titignan ang pituitaryo at ang buong utak | ||
Latin | hypothalamus | |
Gray's | subject #189 812 | |
NeuroNames | hier-358 | |
MeSH | Hypothalamus | |
NeuroLex ID | birnlex_734 |
Ang hypothalamus ay matatagpuan sa ibaba ng thalamus na nasa itaas ng brainstem at bahagi ng sistemang limbiko.[1] Sa terminolohiya ng neuroanatomiya, binubuo nito ang unahang bahagi ng diencephalon. Ang lahat ng utak ng bertebrado ay naglalaman ng isang hypothalamus. Sa tao, ito ay ang laki ng isang pili.
Responsable ang hypothalamus sa ilang mga prosesong metabolismo at iba pang mga gawain ng awtonomikong sistemang nerbiyos. Naggagawa at naglalabas ito ng ilang tiyak na neurohormone, na tinatawag na releasing hormone o hypothalamic hormone, at ang mga ito ay nagbubuhay o nagpipigil sa pagpapakawala ng pitiutaryong hormone. Ang hypothalamus ang nagkokontrol ng temperatura ng katawan, gutom, mahalagang aspeto ng pagiging magulang at mga pagkasamâ ng pag-uugali, uhaw,[2] pagkapagod, pagtulog, at ritmong sirkadiyan.