From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hyderabad ( /ˈhaɪdərəbɑːd/ HY-dər-ə-baad) ay ang kabisera ng estado ng Telangana at de jure na kabisera ng Andhra Pradesh.[upper-alpha 1] Sumasakop ito sa 650 kilometro kuwadrado (250 milya kuwadrado) na lawak sa kahabaan ng mga pampang ng Ilog Musi. Mayroon itong populasyon na 6.9 milyon sa city proper nito at humigit-kumulang 9.7 milyon sa Kalakhang Rehiyon ng Hyderabad, kaya ito ang pang-apat na pinakamataong lungsod sa bansa at pang-anim na pinakamataong pook na urbano sa India. Ito ay nasa karaniwang taas na 542 metro (1778 talampakan) at nakapuwesto sa maburol na lupa sa paligid ng mga lawang artipisyal, tulad ng Hussain Sagar sa hilaga ng sentro ng lungsod at umiiral na bago ang pagtatatag ng lungsod.
Hyderabad | |
---|---|
Metropolis | |
Paikot sa kanan mula sa pinakataas: Panoramang urbano ng distritong pinansiyal ng Hyderabad; Kutang Golconda; Hussain Sagar; mga minarete ng Charminar; HITEC City, ang pusod ng mga kompanya ng teknolohiyang pang-impormasyon; Lehislatura ng Telangana. | |
Palayaw: Lungsod ng Mga Perlas | |
Mga koordinado: 17.37°N 78.48°E | |
Bansa | India |
Estado | Telangana |
Rehiyon | Kalakhang Rehiyon ng Hyderabad, Deccan |
Distrito |
|
Itinatag | 1591 |
Nagtatág | Muhammad Quli Qutb Shah |
Pamahalaan | |
• Uri | Korporasyong munisipyo |
• Konseho | Greater Hyderabad Municipal Corporation, Hyderabad Metropolitan Development Authority |
• Alkalde | Bonthu Ram Mohan |
Lawak | |
• Lungsod ng Hyderabad | 650 km2 (250 milya kuwadrado) |
• Kalakhang Rehiyon ng Hyderabad | 7,257 km2 (2,802 milya kuwadrado) |
Taas | 505 m (1,657 tal) |
Populasyon (2011) | |
• Lungsod ng Hyderabad | 6,809,970 |
• Ranggo | Pang-apat |
• Kapal | 10,477/km2 (27,140/milya kuwadrado) |
• Metro | 9,700,000 |
• Ranggo ng metro | Pang-anim |
Demonym | Hyderabadi |
Sona ng oras | UTC+5:30 (IST) |
(Mga) kodigong postal | 500 xxx, 501 xxx, 502 xxx. |
Kodigo ng lugar | +91–40, 8413, 8414, 8415, 8417, 8418, 8453, 8455 |
Plaka ng sasakyan | TS 07 to TS 15 (earlier – AP09 to AP-14 and AP 28,29) |
Metro GDP (PPP) | $40–$74 billion[1] |
Mga opisyal na wika | Telugu, Urdu |
Websayt | ghmc.gov.in |
Itinatag ni Muhammad Quli Qutb Shah ang Hyderabad noong 1591 at nanatili ito sa ilalim ng pamumuno ng dinastiyang Qutb Shahi sa loob ng halos isang dantaon bago kinuha ng mga Mughal ang rehiyon. Noong 1724, idineklara ni Mughal na viceroy Asif Jah I ang kaniyang soberanya at itinatag ang sarili niyang dinastiya na nakilala bilang mga Nizam ng Hyderabad. Ang mga kinasasakupan ng Nizam ay naging isang pamprinsipeng estado noong panahon ng British Raj, at nanatili ito sa loob ng 150 taon kalakip ang lungsod na nagsisilbi nitong kabisera. Tumuloy ang Hyderabad bilang kabisera ng Estado ng Hyderabad pagkaraang sinama ito sa Unyong Indiyano noong 1948, at naging kabisera ito ng Andhra Pradesh kasunod ng States Reorganisation Act, 1956. Mula noong 1956, ang Rashtrapati Nilayam na matatagpuan sa lungsod ay naging tanggapan ng Pangulo ng India kapag taglamig. Noong 2014, humiwalay mula sa Andhra Pradesh ang bagong-tatag na estado ng Telangana, at naging kabisera ng kapuwang mga estado ang Hyderabad, isang pansamantalang kaayusan na nakatakdang matatapos pagsapit ng taong 2025.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.