From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Britanikong Raj (rāj, literal na "pamamahala"[1], "pamahalaan" sa Hindi)[2] ay ang pamamahala ng Britanya sa subkontinente ng India sa pagitan ng 1858 hanggang 1947.[3] Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa "panahon" ng dominyo o pangingibabaw.[3][4] Ang rehiyon na nasa ilalim ng pagtaban ng Britanya, na karaniwang tinatawag bilang "India" sa paggamit na kontemporaryo, ay kinabilangan ng mga pook na tuwirang pinangangasiwaan ng Nagkakaisang Kaharian.[5] (pangkontemporaryo bilang "Britanikong India" o "Indiang Britaniko"), pati na ang mga estadong pamprinsipe na pinamamahalaan ng indibiduwal na mga tagapamahala sa ilalim ng pangingibabaw ng Koronang Britaniko. Ang rehiyon ay hindi gaanong pangkaraniwang tinawag bilang "Imperyo ng India" ng mga Britaniko.[6] Bilang "India", isa itong tagapagtatag na kasapi ng Liga ng mga Nasyon, at isang nakikilahok na nasyon sa Olimpikong Pangtag-init noong 1900, 1920, 1928, 1932, at 1936.
Ang sistema ng pamamahala ay pinasimulan noong 1858, noong ang pamamalakad ng British East India Company ay inilipat sa Korona sa katauhan ni Reyna Victoria[7] (na noong 1876 ay itinalaga bilang Emperadora ng India), at nagtagal hanggang 1947, noong ang Britanikong Imperyo ng India ay hinati upang maging dalawang nagsasariling mga estadong dominyo, ang "Unyon ng India" (na naging Republika ng India) at ang "Dominyo ng Pakistan" (na naging Islamikong Republika ng Pakistan), na ang pansilangang kalahati nito, sa paglaon pa, ay naging People's Republic of Bangladesh(Republikang Popular ng Bangladesh). Sa pagsisimula ng Raj noong 1858, ang Ibaba ng Burma ay bahagi na ng Indiang Britaniko; idinagdag ang Itaas ng Burma noong 1886, at ang nagresultang pagsasanib ng dalawang hati na nakilala bilang Burma ay pinangasiwaan bilang isang lalawigan hanggang 1937, noong ito ay maging isang nakabukod na kolonya ng Britanya at nagkamit ng kalayaan noong 1948.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.