Heograpiya ng Pilipinas
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pilipinas ay isang kapuluan na naglalaman ng humigit-kumulang 7,641 na mga pulo[1][2] na may kabuuang lawak na 300,000 km2. Ang Labingisang pinakamalaking mga pulo ay sumasakop sa ika-94 na bahagdan ng kabuuang lawak ng lupa. Ang pinakamalaki sa mga ito ay ang Luzon na may lawak na 105,000 km2. Ang sunod na pinakamalaking pulo ay ang Mindanao na may 95,000 km2. Ang kapuluan ay mahigit kumulang na 800 kilometro mula sa mainland ng Asya at matatagpuan sa pagitan ng Taiwan at Borneo.
Kontinente | Asya |
---|---|
Rehiyon | Timog-silangang Asya |
Koordinado | 13°00'Hilaga 122°00'Silangan |
Lawak | Ranggo ika-72 |
• Kabuuan | 300,000 km2 (120,000 mi kuw) |
• Lupa | 99.38% |
• Tubig | 0.62% |
Baybayin | 36,289 km (22,549 mi) |
Hangganan | None |
Pinakamataas na lugar | Bundok Apo 2,954 m (9,691 ft) |
Pinakamababang lugar | Dagat Pilipinas 0 m/0 ft (lebel ng dagat) |
Pinakamahabang ilog | Ilog Cagayan |
Pinakamalaking lawa | Laguna de Bay |
Ang kapuluan ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong mga pangkat ng pulo: ang Luzon, Kabisayaan, at Mindanao. Ang mga pulo ng Luzon ay sumasakop sa Luzon mismo, Palawan, Mindoro, Marinduque, Masbate, Romblon, Catanduanes, Batanes at Polillo. Ang Visayas ay ang pangkat ng mga pulo sa gitnang Pilipinas, kung alin ang pinakamalalaki ay ang: Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, Samar, Siquijor, Biliran at Guimaras. Ang mga pulo ng Mindanao ay sumasakop sa Mindanao mismo, Dinagat, Siargao, Camiguin, Samal, pati na rin ang Kapuluan ng Sulu, pangunahin na binubuo ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Pangunahing mga kaanyuang heograpiko ng Pilipinas
|
Ang kabatiran sa ibaba ay hinango mula sa kabatiran ng CIA Factbook information para sa Pilipinas, maliban na lamang kung nakatukoy.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.