From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Gresyang Myceneo o Kabihasnang Myceneo ang huling panahon ng Panahong Bronse ng Sinaunang Gresya na sumasakop sa panahong mula 1750 hanggang 1050 BCE.[1] Ito ay kumakatawan sa isang unang lubos na maunlad at natatanging Kabihasnang Griyego sa panunahing lupaing Gresya na may mga estado malapalasyo, organisasyong urbano, mga gawa ng sining at sistema ng pagsulat.[2][3] Ang mga Myceneo ay mga Griyegong he Mycenaeans were autochthonous na malamang na lumitaw sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Kabihasnang Minoan at ibang mga kultura sa Dagat Mediterraneo at umunlad sa isang mas sopistikadong kulturang sosyopolitikal.[4] Ang pinakatanyag na lugar ng kabihasnang ito ang Mycenae kung saan nito nakuha ang pangalan nito. Ang ilang mga sentro ng kapangyarihang ng Kabihasnang Mycneo ay kinabibialangan ng Pylos, Tiryns, Midea sa Peloponnese, Orchomenos, Thebes, Athens sa Sentral na Gresya at Iolcos sa Thessaly. Ang Mycenaeo at naimpluwensiyahan ng Myceneo ay lumitaw rin sa Epirus,[5][6] Macedonia,[7][8] sa mga kapuluan ng Dagat Egeo,[9] sa timog-kanlurag baybayin ng Asya Menor, sa Levant[9][10] Cyprus,[11] at Italya.[12]
Alternative names | Kabihasnang Mycenaeo |
---|---|
Geographical range | Pangunahing lupain ng Gresya, mga kapuluan sa Dagat Egeoat Kanluraning Anatolia |
Period | Panahong Bronze |
Dates | c. 1750 BE – c. 1050 BCE |
Type site | Mycenae |
Major sites | Pylos, Tiryns, Midea, Orchomenos, Iolcos |
Characteristics |
|
Preceded by | Kabihasnang Minoan, Kulturang Korakou, Kulturang Tiryns |
Followed by | Panahong Madilim na Griyeg |
Ipinakilala ng mga Griyegong Myceneo ang mga ilang mga bagong idea sa larangan ng inhinyerya, arkitektura, imprastrakturang militar. Ang kalakalan sa mga lugar sa Mediterraneo ay mahalaga sa ekonomiyang Mycneo. Ang kanilang iskriptong syllabiko na Linear B ay nagbibigay rekord ng Indo-Europeong wikang Griyego at relihiyong Myceneo na kinabibilangan ng ilang mga Diyos] na matatagpuan sa Labindalawang Olimpiyano ng Mitolohiyang Griyego. Sa lipunang Myceneo, ito ay pinamumunuan ng hari na tinatawag na wanax.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.