From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Gentium (Latin para sa "ng mga bansa") ay isang Unicode na serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Victor Gaultney. Malaya at bukas ang pinagbatayan ng software ng mga tipo ng titik ng Gentium at nilabas ito sa ilalim ng Lisensyang SIL Open Font (OFL), na pinapahintulot na baguhin at ang muling pamamahagi.[1] May malawak na suporta ang Gentium sa mga wika na gumagamit ng mga alpabetong Latin, Greek, at Siriliko, at ang Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto. May baryente ng Gentium Plus ang nilabas noong Nobyembre 2010 na kabilang ang higit sa 5,500 glipo at mataas na antas na tipograpikong mga katangian sa pamamagitan ng OpenType at Graphite.[2]
Kategorya | Serif |
---|---|
Klasipikasyon | Lumang estilo |
Mga nagdisenyo | Victor Gaultney |
Petsa ng pagkalikha | 2001 |
Petsa ng pagkalabas | 2014-10-28 (Gentium Plus 5.000), 2008-04-03 (Gentium Basic 1.1) |
Mga karakter | Basic: 704 Plus: 2,712 |
Mga glyph | Basic: 796 Plus: 4,359 |
Lisensya | Lisensyang SIL Open Font License |
Mga baryasyon | Gentium Gentium Alternative Gentium Basic Gentium Book Basic Gentium Plus Gentium Plus Compact |
Muwestra | |
Websayt | software.sil.org/gentium/ |
Ang kasalukuyang pagpapabuti ng tipo ng titik ay bukas sa mga ambag mula sa mga tagagamit nito.[3] Nailabas ang Gentium sa ilalaim ng Lisensyang Open Font noong Nobyembre 28, 2005. May ibang mga pamilya ng tipo ng titik ang nilabas sa ilalim ng OFL kabilang ang Charis SIL at Doulos SIL.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.