G-Spot

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang Gräfenberg Spot o G-Spot, na maisasalin bilang dakong-G, pook na G o lugar na G, ay binigyang ng kahulugan bilang isang hugis balatong (sitaw o patani)[1] na pook ng puke. Ilang mga babae ang nag-ulat na isa itong sonang erohenosa na, kapag binuyo o inudyok, ay mag-aaring maghantong sa malakas na pagkapukaw na seksuwal, makapangyarihang orgasmo at ehakulasyong pambabae.[2] Ang dakong Gräfenberg, pook na Gräfenberg o lugar na Gräfenberg ay karaniwang inilalarawan bilang nakalagak sa isa hanggang tatlong mga pulgada paitaas sa pangharapang (anteryor) na dingding ng puke sa pagitan ng buklat o buka at ng uretra[3] at isang pook na sensitibo na maaaring maging bahagi ng prostatang pambabae.[4]

Bagaman pinag-aaralan na ang dakong-G magmula pa noong dekada ng 1940,[5] nagtagal ang hindi pagkakasundo hinggil sa pag-iral nito bilang isang bukod-tanging kayarian, kahulugan at lokasyon.[6][7][8] Nilagom ng isang pag-aaral sa Britanya na ang pag-iral nito ay hindi napatunayan at subhektibo, batay sa mga pagtatanung-tanong at karanasang personal.[7] Ang ibang mga pag-aaral, na gumamit ng ultrasound, ay nakatagpo ng ebidensiyang pisyolohikal ng dakong G sa mga babae na nag-ulat ng pagkakaroon ng mga orgasmo habang nakikipagtalik.[7][9] Nagkaroon din ng hipotesis na ang G-Spot ay isang karugtong ng tinggil at na ito ay sanhi ng mga orgasmong pampuke.[8][10][11][12]

Nangangamba ang mga seksologo at iba pang mga mananaliksik na maaaring ituring ng mga babae ang kanilang mga sarili bilang dispunksiyonal o hindi makaganap kapag hindi sila nakaranas ng dakong-G.[13][14][15] Ilan sa mga babae ang sumailalim sa pamamaraan ng siruhiyang plastiko na tinatawag na amplipikasyon ng dakong-G upang mapainam ang pagkamapandama o sensitibidad nito.[5]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.