From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang uretra o daluyan ng ihi ay isang tubong umuugnay o kumukunekta sa pantog patungo sa labas ng katawan. Ito ang nagpapahintulot sa tao at hayop (lalaki man o babae) na makapagtanggal ng ihi mula sa kanilang katawan.[1] Natatabanan o nakukontrol ng tao at hayop ang pag-ihi o urinasyon sa pamamagitan ng paggamit ng ispinkter na uretral. Bahagi ng sistemang pang-ihi o uretral ang uretra. Dahil sa mamalya ang tao, mayroon itong uretra. Sa lalaking mamalya, bahagi rin ang uretra ng sistemang reproduktibo, dahil ginagamit ito ng lalaki bilang tubong lagusan o daanan ng semilya at semen sa panahon o oras ng pakikipagtalik. Bilang daanan ng isperma at ihi, umaabot ang uretra mula sa prostata pababa hanggang sa kahabaan ng titi.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.