![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c3/Magellan_1810_engraving.jpg/640px-Magellan_1810_engraving.jpg&w=640&q=50)
Fernando de Magallanes
Portuges na maglalayag at eksplorador / From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Fernão de Magalhães (1480–Abril 27, 1521; Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan[2] sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa Europa, 18 sa kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan sa Mactan.[2]
Agarang impormasyon Fernão de MagalhãesFernando de MagallanesFerdinand Magellan, Kapanganakan ...
![]() Isang Portuges na manggagalugad | |
Kapanganakan | Fernando de Magallanes Tagsibol, 1480 Sabrosa, Portugal |
Kamatayan | (1521-04-27)Abril 27, 1521 |
Ibang pangalan | pt: Fernão de Magalhães es: (F/H)ernando de Magallanes |
Kilala sa | Kapitan ng kauna-unahang paglalayag na lumigid sa buong daigdig (1519–1522),[1] nakatuklas ng isla ng Guam at Marianas, Kipot ni Magellan sa Timog Amerika at Tierra del Fuego (sakop ngayon ng bansang Chile). |
Asawa | Beatriz Barbosa de Magalhães |
Anak | Rodrigo de Magalhães, Carlos de Magalhães |
Magulang |
|
Isara