![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/a2/Ezechias-Hezekiah.png/640px-Ezechias-Hezekiah.png&w=640&q=50)
Ezekias
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Hezekias ( /ˌhɛzᵻˈkaɪ.ə/; Hebreo: חִזְקִיָּהוּ {{transl|he|H̱īzəqīyyahū}: "Si Yahweh ang aking Lakas o si Yahweh ang aking Kapangyarihan"}), o Ezekias,[lower-alpha 1] (born c. 741 BCE ayon sa Tanakh ay isang hari sa Kaharian ng Juda. Siya ay anak ni Ahaz. Sa kapanganakan ni Hezekias, si Hezekias ay inilarawan ni Isaias na sumulat ng Aklat ni Isaias na haring magpapatuloy sa matuwid na pamumuno sa trono ni David sa Kaharian ng Juda (Kapitulo 9-39). Siya ay tinawag na "makapangyarihang diyos at prinsipe ng kapayapaan". Ayon sa 2 Hari 18, si Hezekias ay isang matuwid na hari na "walang katulad niya pagkatapos niya o bago niya" na dumalisay sa Templo ni Solomon, nagbalik ng pagsamba "lamang" kay Yahweh at wumasak sa mga Asherah(2 Hari 18; 2 Cronica 29). Sa panahon ni Hezekias, ang kapayapaan ay sinabi ring mananaig sa Juda(Kapitulo 9-39; 39:8).
Hezekias Ezekias | |
---|---|
![]() | |
Guhit ni Hezekias ni llaume Rouillé]] Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553 | |
Panahon |
|
Sinundan | Ahaz |
Sumunod | Manasses ng Juda |
Asawa | Hephzibah |
Anak | |
Ama | Ahaz |
Ina | Abijah o Abi |
Kapanganakan | c. 739/41 BCE malamang Herusalem |
Kamatayan | c. 687 BCE (aged 51–54) malamang ay Herusalem |
Libingan | Herusalem |
Pananampalataya | Hudaismo, Yahwismo |
Ayon sa Bibliya, nasaksihan ni Hezekias ang pagkawasak ng Kaharian ng Israel (Samaria) ni Sargon II ng Asirya c. 722 BCE at hari ng Juda sa pagkubkob ng Asirya ni Sennacherib ca. 701 BCE. Siya ay inalalarawan sa Bibliya na pagtatag ng isang malawakang reporma sa relihiyon kabilang ang istriktong mandato ng tanging pagsamba lamang Yahweh at pagbabawal ng pagsamba ng ibang mga Diyos sa Templo ni Solomon. Ayon sa 2 Hari 18:4-5," Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga haligi ng Diyosang si Ashera at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel. Ito ay tinawag na Nehushtan. Si Hezekias ay nagtiwala sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Walang katulad niya sa lahat ng mga hari ng Kaharian ng Juda bago niya o sumunod sa kanya."
Ito ay salungat sa 2 Hari 23:25 tungkol sa hari ng Kaharian ng Juda na si Josias na " At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya o pagkatapos niya na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya, at ng buong kaluluwa niya, at ng buong kapangyarihan niya, ayon sa buong kautusan ni Moises; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya." Ayon kay Hölscher, kinopya ng kalaunang editor ng 2 Hari ang 18:5 at nilapat ito kay Josias a na inaayunan rin ng iskolar na si Weippert.