![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/99/Sennacherib.jpg/640px-Sennacherib.jpg&w=640&q=50)
Sennacherib
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Sennacherib (Wikang Akkadiano: Sîn-ahhī-erība "Pinalitan ni Sîn(Diyos ng Buwan) ang (nawalang) mga kapatid na lalake para sa akin") ang anak ni Sargon II na kanyang hinalinhan sa trono ng Assyria (705 – 681 BCE). Bilang prinsipe ng korona, si Sennacherib ang ginawang tagapangasiwa ng Imperyong Asiryo habang nasa digmaan ang kanyang ama. Hindi tulad ng mga hinalinhan niya, ang paghahari ni Sennacherib ay hindi malaking minamarkahan ng mga pangangampanyang militar ngunit pangunahin ay mga renobasyon sa arkitektura, mga pagtatayo at mga pagpapalawig. Pagkatapos ng marahas na kamatayan ng kanyang ama, nasagupa niya ang maraming mga problema sa pagtatatag ng kanyang kapangyarihan at humarap sa mga pagbabanta sa kanyang nasasakupan. Gayunpaman, nagawa niyang malampasan ang mga ito at nagsawa ng mga proyektong pagtatayo.Sa kanyang paghahari, inilipat niya ang kabisera ng imperyo mula sa bagong itinayong siyudad ng kanyang ama na Dur-Sharrukin hanggang sa lumang siyudad at dating kabisera ng Nineveh.
Sennacherib | |
---|---|
Hari ng Asirya | |
![]() Si Sennacherib sa kanyang pakikidigma sa Babilonya, isang relief mula sa kanyang palasyo sa Nineveh | |
Paghahari | 705 – 681 BCE |
Wikang Akkadiano | Sîn-ahhī-erība |
Wikang Griego | Σενναχηριμ (Sennacherim) |
Wikang Hebreo | Sanherib |
Kamatayan | 681 BCE |
Sinundan | Sargon II |
Kahalili | Esarhaddon |
Ama | Sargon II |