Ang Mga Ebionita o Ebionites, o Ebionaioi (Greek: Ἐβιωναῖοι; na hinango mula sa Hebreong אביונים ebyonim, ebionim, na nangangahulugang "ang mahirap" o "mga mahirap") ay isang terminong patristiko na tumutukoy sa sektang Hudyong Kristiyano na umiral sa sinaunang Kristiyanismo.[1] Kanilang itinuturing si Hesus bilang mesiyas[2] at pinagpipilitan ang pangangailangan ng pagsunod sa Torah (mga kautusang Hudyo).[3] Ang mga Ebionita ay gumamit lamang ng isa sa mga ebanghelyong Hudyo, iginalang si Santiago na Matuwid at itinakwil si Apostol Pablo bilang tumalikod mula sa kautusan (ni Moises).[4] Ang kanilang pangalan ay nagmumungkahi na sila ay naglagay ng espesyal na pagpapahalaga sa panata ng kahirapan.

Dahil ang mga rekord na historikal o sanggunian tungkol sa mga Ebionita ay kakaunti, pragmentaryo o hindi kumpleto at pinagtatalunan, ang tanging alam o pinagpapalagay tungkol sa mga ito ay hinango mula sa mga ama ng simbahan (church fathers) na sumulat ng mga polemiko laban sa mga Ebionita na kanilang itinuturing na heretikal na na nagtataguyod ng pagkaHudyo (Judaizers).[5][6]

Maraming mga skolar ay nagtatangi ng mga Ebionite mula sa iba pang mga pangkat na Hudyong Kristiyano gaya ng mga Nazareno.[7] Ang iba ay tumuturing sa mga itong katulad ng mga Nazareno.[8]

Mga paniniwala

Hudaiko at Gnostikong Ebionitismo

Ang karamihan sa mga sangguniang patristiko ay naglalarawan sa mga Ebionita bilang mga tradisyonal na Hudyo na masigasig na sumusunod sa Batas ni Moises, nagparangal sa Herusalem bilang pinakabanal na siyudad,[9] at nagtakda ng pakisalamuha lamang sa mga hentil (hindi Hudyo) na nagpaakay sa Hudaismo.[10]

Gayunpaman, ilang mga ama ng simbahan ay naglarawan sa ilang mga Ebionita na lumisan mula sa tradisyonal na mga prinsipyo ng pananampalatayang Hudyo. Halimbawa, isinaad ni Epiphanius ng Salamis na ang mga Ebionita ay nagsagawa ng labis na mikvah (ritwal na paliligo),[11] nag-angkin ng anghelolohiya na nag-angkin si Hesus ay isang arkanghel na nagkatawang tao sa katauhan ni Hesus at inampon bilang anak ng diyos,[12][13] tumutol sa korban (paghahandog ng hayop),[13], nagsanay ng antinomianismo (pagtanggi sa ilang mga bahagi o halos lahat ng Kautusan ni Moises),[14], nagsanay ng vegetarianismong relihiyoso,[15] at nagdiriwang ng isang pag-ala alang taunang hapunan,[16] sa panahon ng Paskuwa na tanging may walang lebadurang tinapa at tubig, na salungat sa araw araw na Eukaristang Kristiyano.[17][18][19]

Gayunpaman, ang pagiging maaasahan ng salaysay ni Epiphanius tungkol sa mga Ebionita ay kinukwestiyon ng ilang mga skolar.[5][20] Halimbawa, ayon kay Shlomo Pines, ang pananaw na heterodox na kanyang itinuro sa ilang mga Ebionita ay nagmula sa Gnostisismong Kristiyanismo kesa sa Hudyong Kristiyanismo at ito ay mga katangian ng sektang Elcesaite na maling itinuro ni Epiphanius sa mga Ebionita.[21]

Isa pang ama na simbahan na naglarawan sa mga Ebionita na lumisaw sa Ortodoksiyang Kristiyanismo si Methodius ng Olympus na nagsaad na ang ang mga Ebionita ay naniwalang ang mga propeta ay nagsalita lamang sa pamamagitan ng kanilang sariling kapangyarihan at hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.[22]

Bagaman ang karamihan sa mga skolar ay nagpapalagay ng ilang mga impluwensiyang Essene sa nabubuong iglesiang Hudyong Kristiyano sa ilang organisasyonal, administratibo, at kultikong mga respeto, ang ilang mga skolar ay lumagpas pa sa asumpsiyon na ito. Sa mga ito, ang ilan ay humahawak sa mga teoriya na napabulaanan na at ang ilan ay nananatili pa ring kontrobersiyal.[23]

Ang ilang mga skolar ay may iba't ibang mga teoriya tungkol sa kung paanong ang mga Ebionita ay nabuo mula sa Mga Essene. Ikinatwiran ni Hans-Joachim Schoeps na ang pagkaakay ng ilang mga Essene sa Hudyong Kristiyanismo pagkatapos ng pananakop sa Herusalem noong 70 CE ay maaring pinagmulan ng ilang mga Ebionita na tumangap ng mga pananaw at pagsasanay na Essene.[24] Ang ilan ay nagbigay konklusyon na ang mga Essene ay hindi naging mga Hudyong Kristiyano ngunit mayroon paring impluwensiya sa mga Ebionita.[25]

Gayunpama, sa kanyang aklat naPanarion, 30:17:5, sinabi ni Epiphanius of Salamis na "Ngunit aking ipinakita na sa itaas na hindi alam ng mga Ebionita ang mga bagay nito ngunit kalaunan, ang kanyang mga tagasunod na nakipagugnayan sa Elchasai ay may pagtutuli, Sabbath, at mga kagawian ng Ebion ngunit may imahinasyon ng Elchasai".

Sa paggawa nito, binigyan linaw ni Epiphanius na ang mga orihinal na Ebionita ay iba sa mga heterodox na Ebionite na kanyang inilarawan.[26] [kailangan ng sanggunian]

Hesus

Ang karamihan sa mga ama ng simbahan ay umaayon na ang ang mga Ebionita ay tumakwil sa karamihan ng mga paniniwalang sental sa Kredong Nicene gaya ng pre-eksistensiya ni Hesus, pagkadiyos ni Hesus, birheng kapanganakan ni Hesus, pagbabayag ng kasalanan ni Hesus, kamatayan ni Hesus at pisikal na resureksiyon.[5] Sa kabilang dako, ang kuwentong Ebionita ni Hesus ay naglalarawan kay Hesus na kumakain ng tinapay kasama ng kanyang kapatid na si Jacob (Santiagong Matuwid) pagkatapos ng resureksiyon na nagpapakitang ang mga Ebionita o kahit papapaano ang mga tumatanggap sa bersiyon na ito ng Ebanghelyo ng mga Hebreo ay naniniwala sa pisikal na resureksiyon ni Hesus.[27] Ang mga Ebionita ay inilalarawan na nagbibigay diin sa pagiging isa ng diyos at sa pagkatao ni Hesus bilang biolohikal na anak ng parehong sina Marya at Jose na dahil sa kanyang katuwiran ay pinili ng diyos na maging mesiyas tulad ni Moises. [4][28] Sina Origen (Contra Celsum 5.61)[29] at Eusebius (Historia Ecclesiastica 3.27.3) ay kumilala sa ilang pagkakaiba sa kristolohiya ng mga pangkat Ebionita. Halimbawa, bagaman ang lahat ng mga Ebionita ay tumanggi sa preeksistensiya ni Hesus, may isang maliit na pangkat na hindi tumanggi sa birheng kapangananakan ni Hesus.[30] Si Theodoret bagaman umasa sa mas naunang mga manunulat,[31] ay nagbigay ng konklusyon na ang dalawang grupo ay gumamit ng magkaibang mga ebanghelyo.[32]

Sa mga aklat ng Bagong Tipan, ang mga Ebionita ay sinasabing tumanggap lamang sa Hebreo o Aramaikong bersiyon ng Ebanghelyo ni Mateo na tinatawag na Ebanghelyo ng mga Hebreo bilang karagdagang kasulatan sa Tanakh. Ang bersiyong ito ni Mateo ayon sa ulat ni Irenaeus ay nag-alis ng unang dalawang mga kabanata (sa natibidad ni Hesus) at nagsimula sa bautismo ni Hesus ni Juan Bautista. [9]

Ang mga Ebionita ay naniniwalang ang lahat ng mga Hudyo at Hentil ay dapat sundin ang 613 mitzvot sa Kautusan ni Moises[10] upang maging Tzadik (matuwid) at maghangad ng komunyon sa diyos,[33] ngunit ang mga kautusang ito ay dapat maunawaan sa pagsasaalang alang ng pagpapaliwanag ni Hesus ng batas ni Moises[28] na inihiyag sa kanyang mga sermon.[34] Ang mga Ebionita ay maaaring nag-angkin ng isang pinasinayang eskatolihiya na nagpapapalagay ng ang pangangaral ni Hesus ay naglunsad ng panahong mesiyaniko upang ang kaharian ng diyos ay maunawaan bilang kasalukuyan sa isang nagpapasimulang anyo habang sa parehong panahon ay naghihintay sa pagkaganap ng hinaharap na panahon.[4][28]

Santiago at mga Ebionita

Ang isa sa kilalang pangunahing mga koneksiyon ng mga Ebionita kay Santiago ay binigyang pansin ni William Whiston sa kanyang edisyon ng Josephus (1794) kung saan kanyang binigyang pansin ang tungkol sa pagpatay kay Santiagong Matuwid (James the Just), "dapat nating matandaan ang ating nalaman mula sa mga pragmentong Ebionita ni Hegesippus na ang mga pinakahulugan ng mga Ebionita ang hula sa Aklat ni Isaias bilang hula sa pagpatay na ito".[35] Na ginawa ni Hegesippus ang koneksiyong ito sa Aklat ni Isaias ay hindi tinutulan,[36] gayunpaman ang pagtukoy ni Whiston kay Hegesippus bilang isang Ebionita bagaman karaniwan noong ika-18 hanggang ika-19 scholarship ay pinagdedebatihan.[37]

Ang isa pang kilalang iminungkahing koneksiyon ay ang "Pag-akyat ni Santiago" sa panitikang Pseudo-Clementine ay nauugnay sa mga Ebionita.[38]

Ang Mga Gawa ng Mga Apostol ay nagsisimula sa pagpapakita kay Pedro bilang pinuno ng Iglesia sa Herusalem na tanging iglesiang umiiral sa sandaling pag-akyat ni Hesus sa langit. Bagaman pagkatapos ng ilang mga taon, itinala ni Apostol Pablo si Santiago bago si "Cephas" (Peter) at Juan bilang itinuturing na "saligan" (Griyegong styloi) ng Iglesia sa Herusalem.[39] Itinala ni Eusebius na si Clemente ng Alexandria ay sumulat na sina Pedro, Santiago, at Juan ay pinili si Santiagong Matuwid bilang obispo ng Herusalem ngunit isinailalim rin ni Eusebius si Santiago sa autoridad ng lahat ng mga apostol.[40] Binautismuhan ni Pedro si Cornelius na Centurion na nagpakila ng mga hindi tuling hentil sa iglesia sa Judea.[41][42] Paul, Apostle to the Gentiles, established many churches[43] and developed a Christian theology (see Pauline Christianity). At the Council of Jerusalem (c 49),[42] Ikinatwiran ni Apostol Pablo ang pagkabuwag ng mga kautusan ni Moises[44] para sa mga hindi Hudyong akay sa Kristiyanismo. Nang isalaysay ni Pablo ang mga pangyayari sa Sulat sa mga taga-Galatia (Galatians 2:9–10), kanyang tanging tinukoy ang pag-ala-ala ng mahihirap kesa sa paghahayag ng apat na mga punto ng Konseho ng Herusalem. (Acts 15:19–21). Si James Dunn[45] ay nagbigay pansin sa papel na pagkakasundo ni santiago gaya ng nilalarawan sa Mga Gawa ng mga Apostol sa alitan sa pagitan ni Apostol Pablo at sa mga humihikayat sa pagsunod sa kautusan ni Moises sa mga hentil.

Ayon kay Eusebius paktapos ng kamatayan ni Santiago, ang iglesia sa Herusalem ay lumisan sa Pella, Jordan[46] upang taksasan ang pananakop ng magiging emperador na Emperador Tito at pagkatapos ng paghihimagsik ni Bar Kokhba, ang iglesia sa Herusalem ay pinayagan na manatili sa muling pinangalanang Aelia Capitolina ngunit mapapansin mula sa punto ito, ang lahat ng mga obispo ng Herusalem ay nagdadala ng Griyego kesa Hudyong mga pangalan.[47][48]

Gayunpaman, ang ilang mga skolar ay nangangatwiran para sa isang anyo ng pagpapatuloy ng Huydyong iglesia sa Herusalem hanggang sa ika-2 hanggang ika-3 siglo CE at ang mga Ebionita ay tumuturing kay Santiagong Matuwid bilang kanilang pinuno. Ang mga skolar na ito ay kinabibilangan nina Pierre-Antoine Bernheim, Robert Eisenman, Will Durant, Michael Goulder, Gerd Ludemann, John Painter, at James Tabor,[49][50][51][52][53][54][55]

Laban sa mga skolar na ito kabilang si Richard Bauckham ay nagtatangi ng mataas na kristolohiyang sinanay ng iglesia sa Herusalem sa ilalim ni Santiago sa mababang Kristolohiyang kalaunang tinanggap ng mga Ebionita.[56] Ikinatwiran ni Tabor[57][58] na ang gmga Ebionita ay nag-angkin ng isang dinastiyang apostolikong paghalili para sa mga desposyni (kamag-anak ni Hesus). Isinalaysay ni Epiphanius na ang ang mga Ebionita ay tumutol kay Apostol Pablo na kanilang nakita na responsable na ang mga hentil na Kristiyano ay hindi na kailangan magpatuli o sumunod sa 613 Mitzvot ni Moises at kanila ring tinawag siyang natalikod (apostate).[9] Karagdagan pang isinalaysay ni Epiphanius na ang ilang mga Ebionita ay nagakusa kay Pablo na isang Griyego na nagkonberte sa Hudaismo upang mapakasalan ang anak na babae ng isang Kohen Gadol (Punong Saserdote) sa Israel ngunit natiwalag nang ang babaeng ito ay itinakwil si Pablo.[59][60]

Bilang alternatibo sa tradisyonal na pananaw ni Eusebius na ang iglesia sa Herusalem ay simpleng napasama sa iglesiang hentil, ang ibang mga skolar gaya ni Richard Bauckham ay nagmungkahi ng agarang mga kahalili sa iglesia sa Herusalem sa ilalim ni Santiago at ang mga kamag-anak ni Hesus ay mga Nazoraeans na tumanggap kay Pablo samantalang ang mga Ebionita ay isang kalaunang supling ng simulang ika-2 siglo CE.[61][62]

Mga kasulatan ng mga Ebionita

Kakaunting mga kasulatan lamang ng mga Ebionita ang natira at ang mga ito ay nasa hindi tiyak na anyo. Ang Mga Rekognisyon ni Clemente at ang Clementine Homilies na dalawang ika-3 siglo CE mga akdang Kristiyano ay itinuturing ng mga skolar na malaki o kabuuang Hudyong Kristiyano sa pinagmulan at nagpapakita ng mga paniniwalang Hudyong Kristiyano. Ang eksaktong relasyon sa pagitan ng mga Ebionita at mga kasulatang ito ay pinagtatalunan ngunit ang paglalarawan ni Epiphanius ng ilang mga Ebionita sa Panarion 30 ay nagdadala ng pagkakatulad sa mga ideaa sa Mga Rekognisyon' at Homilies. Ang skolar na si Glenn Alan Koch ay nagpalagay na si Epiphanius ay malamang umasa sa isang bersiyon ng Homilies bilang pinagkunang dokumento.[63] Ang ilang mga skolar ay nagpalagay rin na ang kaibuturan ng Ebanghelyo ni Barnabas sa ilalim ng isang polemikal na mediebal na patong na Islam ay maaring batay sa isang Ebionita o gnostikong dokumento.[64] Ang eksistensiya at pinagmulan ng pinagkunang ito ay patuloy na pinagdedebatehan ng mga skolar.[65]

Si John Arendzen (Catholic Encyclopedia article "Ebionites" 1909) ay umuri ng mga kasulatang Ebionita sa apat na mga pangkat.[66]

Ebanghelyo ng mga Ebionita

Isinaad ni Irenaeus na ang mga Ebionita ay ekslusibong gumamit ng Ebanghelyo ni Mateo.[67] Kalaunan ay isinulat ni Eusebius ng Caesarea na ang kanilang tanging ginamit ay ang Ebanghelyo ng mga Hebreo.[68] Mula sa pananaw na ito, ang minoridad na pananaw nina James R. Edwards (2009) at Bodley's Librarian Edward Nicholson (1879) ay nag-aangkin na tanging may isang ebanghelyong Hebreong nasa sirkulasyon na Ebanghelyo ng mga Hebreo ni Mateo. Kanilang binigyang pansin rin na ang pamagat na Ebanghelyo ng mga Ebionita ay hindi kailanman ginamit sa sinaunang iglesiang Kristiyano.[69][70][71] Isinaad ni Epiphanius na ang ebanghelyong ginamit ng mga Ebionita ay isinulat ni Mateo at tinawag na Ebanghelyo ng mga Hebreo.[72] Dahil sinabi ni Epiphanius na "ito ay hindi buong kumpleto, ngunit niliko at sinira..."[73] ang mga manunulat gaya nina Walter Richard Cassels (1877), ay Pierson Parker (1940) ay itinuturing ito na ibang "edisyon" ng ebanghelyong Hebreo ni Mateo.[74][75] Gayunpaman, ang ebidensiyang panloob mula sa mga sipi sa Panarion 30.13.4 and 30.13.7 ay nagmumungkahing ang teksto ay isang pagkakaisang Ebanghelyo na orihinal na isinulat sa Griyego.[76]

Ang nananaig na mga tekstong pangskolar gaya ng pamantayang edisyon ng Apokripa ng Bagong Tipan na pinagtnugutan ni Wilhelm Schneemelcher ay pangkalahatang tumutukoy sa tekstong binanggit ni Jerome na ginamit ng mga Ebionita bilang ang "Ebanghelyo ng mga Ebionita" bagaman ang terminong ito ay hindi kasalukuyan sa Sinaunang Iglesia.[77][78]

Panitikang Clementine

Ang kalipunan ng Apokripang Bagong Tipan na kilala bilang panitikang Clementine ay kinabibilangan ng tatlong mga akdang kilala sa sinaunang panahon bilang "Mga Sirkito ni Pedro", ang "Mga Gawa ng Mga Apostol" at isang akda na karaniwang pinamagatang "Ang Pag-akyat ni Santiago". Ang mga ito ay spesipikong tinukoy ni Ephiphanius sa kanyang polemiko laban sa mga Ebionita. Ang unang pinangalanang mga aklat ay malaking nakapaloob sa Homilies ni Clemente sa ilalim ng pamagat na Clement's Compendium of Peter's itinerary sermons gayundin sa Recognitions na itinuro kay Clemente. Ang mga ito ay bumubuo sa sinaunang didaktikong piksiyon upang ihayag ang mga pananaw na Hudyong Kristiyano, i.e. ang primasiya (pangunguna) ni Santiagong Matuwid (James the Just), ang kanilang kaugnayan sa episkopal na see ng Roma at ang kanilang antagonismo kay Simon Mago gayunin sa mga doktrinang gnostiko. Ipinagpalagay ng skolar na si Robert E. Van Voorst tungkol sa "Pag-akyat ni Santiago" (R 1.33–71), "Mayroon, sa katotohan, walang seksiyon ng pantikang Clementine na ang pinagmulan sa Hudyong Kristiyano ang isa ay magiging higit na tiyak".[20] Sa kabila ng asersiyon ito, siya ay naghayag ng reserbasyon na ang materyal ay tunay na Ebionita sa pinagmulan nito.

Symmachus

Si Symmachus ay lumikha ng isang salin ng Tanakh (Bibliyang Hebreo) sa Griyegong Koine na ginamit ni Jerome at umiiral pa rin sa mga pragmento at ang kanyang nawalang Hypomnemata na isinulat upang kontrahin ang kanonikal na Ebanghelyo ni Mateo. Bagaman nawala, ang Hypomnemata[79][80] is probably identical to De distinctione præceptorum mentioned by Ebed Jesu (Assemani, Bibl. Or., III, 1). The identity of Symmachus as an Ebionite has been questioned in recent scholarship.[81]

Elkesaites

Si Hippolytus ng Roma (c.230 CE) ay nag-ulat na ang Hudyong Kristiyanong si Alcibiades ng Apamea ay lumitaw sa Roma na nagtuturo mula sa isang aklat na kanyang inangking pahayag na ang isang matuwid na taong si Elkesai ay natanggap mula sa isang anghel. Gayunpaman, pinagsuspetsahan ni Hippolytus na si Alcibiades mismo ang may akda nito..[82] Shortly afterwards Origen records a group, the Elkesaites, with the same beliefs.[83] Epiphanius claimed the Ebionites also used this book as a source for some of their beliefs and practices (Panarion 30.17).[63][84][85] Ipinaliwanag ni Epiphanius ang pinagmulan ng pangalang explains Elkesai na Aramaiko na El Ksai na nangangahulugang "Tagong Kapangyarihan"" (Panarion 19.2.1). Ang skolar na si Petri Luomanen ay naniniwalang ang aklat ay orihinal na isinulat sa Aramaiko bilang apokalipsis na Hudyo at malamang ay sa Babilonia noong 116 hanggang 117 CE.[86]

Tingnan din

Sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.