Si Titus Flavius Clemens o Clemente ng Alehandriya (Sinaunang Griyego: Κλήμης ὁ Ἀλεξανδρεύς; c. 150 – c. 215 AD),[5] ay isang teologong Kristiyano at pilosopo mula sa Alehandriya, Ehipto na nagturo sa Eskwelang Kateketikal ng Alehandriya. Kabilang sa kanyang mga estudyante sina Origen at Alejandro ng Herusalem. Siya ay isang akay sa Kristiyano at isang edukadong tao sa Sinaunang Pilosopiyang Griyego at panitikang Sinaunang Griyego. Siya ay naimpluwensiyan ng Pilosopiyang Helenestiko lalo na nina Plato, mga Stoiko, estoresisismo at Gnostisismo.[6] Sa isa sa kanyang mga akda, kanyang ikinatwiran na sina Plato at Pythagoras ay tinuruan ng mga iskolar na Ehipsiyo.[7] Siya ay itinuturing na isa sa Mga ama ng simbahan at pinipintuho bilang santo sa Simbahang Ortodoksong Koptiko, Katolisismong Silanganin, Kristiyanismong Etyopiko at Anglikanismo. Siya ay isang santo hanggang 1586 at ang kanyang pangalan ay inalis sa Martirolohiyang Romano ni Papa Sixto IV sa payo ni Baronius. Itinigil ng Simbahang Silangang Ortodokso ang pamimintuho kay Clemente bilang santo noong ika-10 siglo.
Ibang mga pangalan | Clement Alexandrine |
---|---|
Ipinanganak | Titus Flavius Clemens c. 150 CE Athens, Achaia, Imperyong Romano |
Namatay | c. 215 CE Jerusalem, Syria Palaestina, Imperyong Romano |
Panahon |
|
Rehiyon | Kanluraning Pilosopiya |
Eskwela ng pilosopiya |
|
Mga pangunahing interes | Teolohiyang Kristiyano |
Mga kilalang ideya |
|
Mga institusyon | Eskwelang Kateketikal ng Alehandriya |
Naimpluwensiyahan ni
| |
Nakaimpluwensiya kay
|
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.